Sign Up

Search the website

Fix Frozen OKBet Account with These Simple Steps!

Fix Frozen OKBet Account with These Simple Steps!
Date: June 28, 2023 / Author: TJ
OKBet Paano Ayusin ang OKBet Frozen na Account

Ayusin ang yung OKBet account with this simple steps!

Mahirap ma-imagine na matapos magdeposito ng napakaraming salapi ay malalaman mo na ang iyong OKBet account na frozen. Ngunit sa pamamagitan ng pagsunod sa ilang simpleng steps, maiiwasan mo ang hassle at stress na dulot ng pag-aalala ng iyong pera.

Basahin at tulungan niyo kaming matulungan kayo na maayos ang suspendido ninyong account!

Mga Dahilan Bakit Frozen ang isang OKBet Account

Ang OKBet ay isang gambling platform na accredited ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Kaya naman required itong sumunod sa mga polisya at rules ng ahensya, lalo na’t pagdating sa pag-filter sa mga nais na maka-access ng kanilang serbisyo. Kinakailangan nilang sumailalim sa PAGCOR-mandated na Know Your Customer (KYC) verification process.

Ang KYC ay isang verification process na isinagawa upang matunton at supilin ang mga may balak na gamitin ang gambling platform. Ang goal nila ay magsilbi itong isang gateway upang makapagsagawa sila ng iligal na aktibidad, gaya ng fraud o money laundering. Ang naturang procedure ay ginagawa rin upang maimbestigahan ang propesyunal na backgroudns ng mga manlalaro, lalo na’t may mga tao na hindi maaaring magsugal.

Ang hindi pagsailalim sa KYC ay magreresulta ng pagka-frozen ng iyong OKBet account. Ibig nitong sabihion ay hindi ka p’wedeng maglaro, mag-deposito, o mag-withdraw ng iyong panalo.

Pero bukod dito, mayroon pa na dalawang dahilan:

Masyadong Madaming Attempts sa Pag-Withdraw

Ang sunud-sunod na pagtatangkang mag-withdraw ay maghahatid ng suspetsa mula sa mga fraud agents, at iisipin nila na isang money launderer ang nakalusot sa KYC at nasa proseso na ng pag-launder ng pera. Kaya naman ang agent na nag-track ng transaction ay dali-daling ifi-freeze ang account bago magsumite ng isang case sa tamang awtoridad.

OKBet Paano Ayusin ang OKBet Frozen na Account

Hindi Na-Meet na Turnover Requirement

Ang turnover requirement ay base sa polisya ng OKBet. Ang isang verified na manlalaro na nais mag-withdraw ng kanyang napanalunan ay kailangan munang gamitin ang kanyang dinipositong halaga bago makapag-withdraw.

Ang sunud-sunod na attempt upang mag-withdraw ng pera habang hindi pa nami-meet ang turnover requirement ay magreresulta rin sa pagka-freeze ng OKBet account.

Kaya upang maiwasan ang restriction at ma-enjoy ang isang seamless at walang aberyang gaming experience ng aming pinakasikat na mga laro gaya ng Baccarat, ang isang manlalaro ay dapat:

Magpa-Verify Muna

Ang unang dapat gawin ng isang manlalaro bago mag-deposito ng kahit na anong halaga ay ang ipa-verify ang kanyang pagkakakilanlan sa isang OKBet KYC agent. Ito ay mgagawa sa pamamagitan ng pag-kontak sa customer services ng platform at pagsasabi ng kagustuhang ma-verify.

Upang maipasa ang KYC verification, ang isang manlalaro ay hindi dapat isang:

  • Minor o wala pa sa edad na 21, o di kaya’y nag-aaral pa
  • Isang opisyales o empleyado ng gobyerno, kabilang na ang kanilang immediate na pamilya
  • Isang miyembro ng pwersang militar, gaya ng PNP at AFP
  • Direkta o hindi direktang sangkot sa operasyon ng naturang sugalan
  • Nag-boluntaryong maging parte ng self-exclusion program ng PAGCOR

Pero kung hindi ka nabibilang sa mga personalidad na nabanggit, asahan mo na malaki ang tyansa mo na ma-aprubahan.

Upang masimulan ang verification process, ang isang manlalaro ay dapat:

  1. Kinontak ang customer services ng OKBet at sabihin na nais nilang magpa-verify.
  2. Ihanda ang kahit na anong government-issued na ID.
  3. Sumailalim sa isang video verification upang mapatunayan ang kanyang pagkatao.
  4. Maghintay ng 24 oras upang makatanggap ng isang SMS na naglalaman ng resulta ng iyong verification.
  5. Simulan ng i-enjoy ang paglalaro!

Maging Pasensyoso

Kapag nagwi-withdraw ng iyong napanalunan, mangyaring maging pasensyoso. Ang aming mga risk agent ay kinakailangang i-check ang bawat transaksyon para sa kahit na anong senyales ng iligal na aktibidad.

Mangyaring hintayin munang maproseso ang naunang withdrawal request bago magsagawa ng panibagong transaksyon. Sa ganitong paraan, hindi ma-flag ang iyong account na isang suspicious account at isakripisyo na ma-freeze ito.

Sundin ang Turnover Requirement

Ang turnover requirement ay dumidepende sa halaga na idineposito ng manlalaro.

Halimba na lang ay si Juan na nag-top up ng kanyang account ng P500. Upang siya ay makapag-withdraw, kailangan niya munang gamitin at itaya ang pera upang hindi ma-reject ang kanyang request.

Ngayong nasunod mo na ang mga simpleng hakbang na ito, maiiwasan mo na ma-freeze ang iyong OKBet account. Ngunit sa hindi maiiwasan at matukoy na dahilan ay nanatili itong suspendido, ang pinakamainam na aksyon ay ang kontakin ang aming customer service upang matunton ang pinakadahilan ng suspension at maayos it.

BASAHIN: Mga Subok na Istratehiya Para Manalo ng Scratch Card