Ang Denver Nuggets ay ang 2023 WCF Champs!
Na-sweep ng Denver Nuggets and Los Angeles Lakers, 113-111 upang sungkitin ang NBA Western Conference title nitong Mayo 23.
Pinangunahan ni Nikola Jokic ang kanyang koponan, at sa loob ng 45 minuto ay nakapagtala siya ng 30 points, 14 rebounds, at 13 assists—pang-walo niyang triple-double sa playoffs. At dahil nagawa niya ito, ang two-time MVP ay binasag ang 57-taong record ni Wilt Chamberlain na mayroong pitong triple-double bilang isang manlalaro ng Philadelphia 76ers noong 1966-67 na postseason.
Habang kakaiba ang ipinakita ni Jokic, ang bulung-bulungan na mate-trade na si Jamal Murray naman ay nagpakitang gilas dito sa four-game series.
Sa Game 4, nakapaglagda si Murray ng 25 puntos sa 10-18 na shooting. Mayroon din siyang tatlong rebounds, limang assists, dalawang steals, at isang block upang tulungan si Jokic na masungkit ang conference title.
Samantala, si LeBron James naman ay nagpaulan ng 31 na puntos sa first half. Subalit hindi ito nagawang sundan ng 38-year-old na superstar matapos na makapag-adjust ang Nuggets pagpasok ng second half.
Sa huli, si James ay gumawa ng 40 na puntos, kabilang ang 10 boards, nine assists, at dalawang steals. Matinik din siya sa tres matapos na pumukol ng apat sa kanyang pitong attempts.
Maganda rin ang ipinakita ni Anthony Davis na mayroong 21 na puntos, kasama ng 14 na boards at tatlong blocks. Ngunit dahil tatlo sa manlalaro ng Denver Nuggets an umabot ng lagpas bente, ang Lakers ay wala nang magagawa kundi tanggapin ang pagkatalo.
At dahil papunta na ang Nuggets sa Finals sa kauna-unahang pagkakataon, tinapos nila ang 47-taon na tagtuyot ng franchsie. Bukod dito, Nagkaroon din si Jokic ng napakagandang statline: 27.8 points, 14.5 rebounds, at 11.8 assists habang pumupukol ng 50.6%-47.1%-77.8% na splits.
LeBron James Nagpakita ng Respeto sa Denver Nuggets
Sa press conference matapos ang pagkatalo, nagpakita ng respeto si James sa tumalo sa kanila, at inilarawan ang Denver Nuggets bilang isa sa pinakamahusay na koponan na kanyang nakaharap bilang isang miyembro ng Lakeshow.
“Kami ni AD, nag-uusap lang kami sa locker room (at) nagkasundo kami na ito ang isa sa mga pinakamahusay na koponan, kung hindi man ang pinakamahusay na koponan sa apat na taon naming paglalaro,” saad ni James sa Ingles.
“Talagang well-orchestrated, maganda ang pagkakatahi. Mayroon silang scoring, Mayroon silang shooting. Mayroon silang playmaking. Matatalino sila. May laki. May lalim. At isa pa, kung mayroon kang isang Jokic sa team, na hindi lang malaki at mautak, hindi ka talaga p’wedeng magkamali kapag kaharap mo siya.”
Ngayong tapos na ang Western Conference Finals, naghihintay na ang Nuggets at mga mananaya sa resulta ng magiging laban ng Miami Heat at Boston Celtics. Ang Celtics ay nanganganib din na masipa sa Eastern Conference Finals lalo na’t isa na lamang ang kailangang panalo ng Heat upang mag-advance sa Finals at harapin sina Jokic.
Contact Us