POGOs: Masama o Maganda?
Ang pagsulpot ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ay nagdulot ng malawakang debate at diskusyon. Ngunit masama ba talaga o maganda ang sektor na ito para sa ekonomiya ng Pilipinas?
Sa pamamagitan ng blog na ito ay ating tatalakayin ang parehong epekto—positibo at negatibo—ng POGOs sa bansa upang makapagbigay-liwanag sa nature ng industriyang ito. Ating ikonsidera kung dapat ba natin silang payagan na mag-opera sa bansa o ipasara ng tuluyan.
Mga Positibong Dulot
Boost sa Ekonomiya
Ang mga POGOs ang isa sa mga malaking dahilan bakit nagkaroon ng malaking investments ang mga dayuhan sa bansa. Bilang resulta, nagkaroon ng maraming oportunidad sa trabaho at nakakatulong din sa iba’t-ibang sektor.
Foreign Investments
Ang industriyang ito ay umaakit sa mga dayuhan na mamuhunan. Malaking bahagi ng investments na ito ay napupunta sa pagpapatayo ng samut-saring online gambling platform at ginagamit para sa mga real estate at iba pang kaakibat na sektor.
Dahil sa pagdagsa ng mga dayuhan ay kasabay nito ang paglago ng ekonomiya at nagbibigay-daan para sa pagbubukas ng maraming negosyo at internasyonal na koneksyon ng bansa.
Paglikha ng mga Trabaho
Ang industriya ng POGO ay nakapagbigay ng malaking porsyento ng employment para sa Pilipino. Kadalasan sa mga trabahong ito ay technical support staff, customer service representatives, IT professionals, administrative personnel, security personnel, maintenance workers, at marami pang iba na siyang nakakatulong upang maibsan ang kahirapan sa Pilipinas.
Tax Revenue
Ang Pilipinas ay nagpatupad ng mga regulasyon upang tiyakin na ang sektor na ito ng sugal, kasama ang mga empleyado nito ay nakapagbibigay ng kontribusyon sa bansa sa pamamagitan ng buwis. Ang mga bayarin sa lisensya, buwis ng korporasyon, kita mula sa mga operator, at personal na kita mula sa mga dayuhang manggagawa ay nagsisilbing source ng kita ng gobyerno. Ang mga pondo na ito ay maaaring italaga sa iba’t-ibang pampublikong serbisyo at pagpapaunlad ng imprastruktura, para sa pangkalahatang populasyon.
Economic Spin-Offs
Ang benepisyo na hatid ng POGOs ay hindi lang para sa industriya nito. Ang pagtaas ng kita ng mga empleyado naturang industriya ay nakakapag-multiply ng ekonomiya. Nangangahulugan lang nito na tumataas din ang paggastos ng mga ito sa mga lokal na businesses gaya ng mga restawrant, mga retail shops, at entertainment venues. Dahil na rin dito, lumalago pa lalo ang employment opportunities na nagbibigay suporta pa lalo sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Development ng Real Estate at Mga Ari-Arian
Ang presensya ng POGO sa bansa ang nag-drive upang magkaroon ng demand sa office spaces, tirahan, at mga komersyal na establisyimento. Dahil dito, nagkaroon ng surge sa real estate na sektor at nag-boost sa halaga ng mga ari-arian habang lumilikha ng mga oportunidad para sa mga construction companies, developers, at property agents.
Mga Negatibong Impact
Concerns na Panlipunan
Marami ang nagsasabi na ang POGOs ay nagdudulot ng problema sa lipunan, gaya ng pagkalulong sa sugal, krimen, at money laundering. Ang pagkakaroon ng napakaraming online gambling platforms at pagdagsa ng mga dayuhang manggagawa ang naging dahilan upang mabahala ang gobyerno dahil sa potensyal na negatibong dulot nito sa mga mamamayan.
Bukod pa rito, simula 2019 ay mayroon nang humigit-kumulang na 300 na biktima sa 102 krimeng sangkot ang POGO. Limang porsyento rito ay kinasasangkutan ng human trafficking, at dahil dito, ang Pilipinas ay nanganganib pagdatin sa Financial Action Task Force (FATF).
Ang FATF ang may responsable upang labanan ang money laundering at pag-finance sa mga terorista. Kapag naisama ang bansa sa blacklist ng organisasyon na ito, nangangahulugan lamang na ang mga polisiya ng Pilipinas upang masugpo ang ganitong klaseng krimen ay sobrang kulang at hindi epektibo.
Pahirap sa Imprastraktura
Ang naturang industriya ay mabilis na lumalaki ngunit nagiging sanhi naman ito ng paghihirap sa mga imprastraktura sa ilang lugar sa bansa. Ang pagtaas ng demand para sa mga utility, transportasyon, at serbisyong pampubliko ang nagiging sanhi ng pagsikip ng trapiko, sobrang pabigat sa mga resources, kasabay pa ng mga challenge upang mapanaitiling balanse ang development at sustainability.
Sovereignty at Seguridad
Ang pagdami ng bilang ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa POGO industry ay naghatid ng concern patungkol sa sovereignity at seguridad ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang immigration, pagpapatupad ng batas, at potensyal na pagpasok ng mga kriminal ay pinagdedebatehan pa rin.
Dapat Ba na Pahintulutan ang POGOs o Hindi?
Kung titingnan natin pagdating sa ekonomiya, malaking tulong ang POGOs dahil nagbigay sila ng mga foreign investments, nakalikha ng mga trabaho, at nakapag-generate ng tax revenue na nakakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas. Kahit ang real estate na sektor ay nagkaroon ng paglago dahil sa demand sa mga naturang operator, naging dahilan bakit sobrang naging positibo ito para sa kabuuang development ng bansa.
Subalit mayroon pa ring mga concern na hindi p’wedeng isantabi. Kaya naman ang mga regulators, policymakers, at ang lipunan ay dapat na pag-isipang mabuti kung paano maiibsan ang negatibong dulot ng POGO habang mina-maximize ang mga benepisyo.
Habang ang Senate ay kinukonsidera na i-ban ang mga POGO, importanteng isipin na asset ang mga ito pagdating sa pag-develop at pag-restore ng ekonomiya na naapektuhan ng husto ng Covid-19. Kinakailangan pa ng mas malalim na pag-iimbesitga bago ikonsidera kung dapat bang ipasara ang sektor na ito ng tuluyan.
BASAHIN: How to Avoid Fraudulent Casinos
Contact Us