Paliwanag sa Pool Betting Games
Pagdating sa mundo ng online betting, maraming uri ng taya ang pwede mong paglagyan ng pera. Dahil maraming uri ng sports ang makikita mo sa iba’t-ibang online casino providers tulad ng OKBet, kung minsan ay mukhang hindi mo kayang intindihin ito. Kung ikaw ay isang baguhan pagdating sa ganitong klaseng libangan makakaramdam ka ng takot dahil kung titignan mo ito, mukha itong magulo at mahirap gawin. Pero sa dami ng pwede mong tayaaan may isang uri ng online betting ang kung minsan ay hindi napapansin ng maraming tao. Ito ay ang pool betting.
Pool Betting, Ano ito?
Ang pool betting ay isang uri ng sugal kung saan ang mga indibidwal ay pinagsasama-sama ang kanilang taya sa isang uri ng sports. Ang terminong “pool” ay hango sa mga pinagsama-samang taya ng mga manlalaro. Ang mga kalahok sa ganitong klaseng betting ay karaniwang kalaban din ang iba pang gumagawa ng pool betting at kung sino ang manalo hahatiin ang kabuuan ng panalo sa mga sumali.
Ang pagkakaiba ng pool betting at regular (fixed odds) betting ay binubuo ng:
Absence of Odds: Hindi tulad ng regular betting na kung saan ang odds ay ginagamit upang i-compute ang potensyal na panalo, Ang pool betting ay hindi dumedepende sa odds. Ang panalo ay binubuo ng kabuuan na pera na napanalunan ng mga sumali sa pag predict sa kung sino ang mananalo.
Opponents: Sa regular betting, ikaw ay kadalasang tumataya laban sa bookmaker na siyang nag-set ng odds. Sa pool betting, ang kalaban mo ay ang tumaya sa kalaban na iyong tinayaan at pangkalahatang taya mula sa magkabilang panig ay ang bumubuo sa premyo na makukuha ng mananalo sa pool betting.
Calculation of Payouts: Ang payout sa pool betting ay binubuo ng total prize pool at ang porsyento ng mga sumali na tumaya sa panalong kuponan. Kung ikaw ay isa sa mga kaunting tumaya sa nanalong team, ang makukuha mong panalo ay malaki. Kung marami ang tumaya sa panalong team, ang makukuha mong panalo ay maliit.
Ang mga pangunahing Laro sa Pool Betting
Horse Racing: Ang karera ng mga kabayo ay popular na sports sa pool betting dahil hindi madaling hulaan kung sino ang mananalong kabayo sa karera. At dahil nga mahirap hulaan kung sino ang mananalong kabayo, mas kakaunti ang porsyento ng maaaring manalo na makapagbibigay ng malaking halaga ng pera.
Football (soccer): Ang isa pa na pangunahing sports sa pool betting ay ang football o soccer. Hindi maitatanggi na ang football ay maraming matches na maaari mong tayaan. Marami rin itong potential outcomes tulad ng win, lose, or draw. Dahil dito lumiliit din ang potensyal na manalo ang maraming bettors at lalaki ang prize pool na makukuha ng mananalo.
Ang mga nabanggit sa itaas ay dalawa lamang sa mga uri ng sports na maaari mong tayaan sa pool betting. Bukod sa dalawang pangunahin na sports na nbanggit marami din naman na sports ang maaaring tayaan gamit ang betting system na ito. Siguraduhin lamang na aralin din ang sports na tatayaan para kahit papaano ay may gabay pa din sa pagtaya.
Konklusyon
Ang pool betting ay uri ng bet kung saan ang mga pera na nalikom sa buong pagtaya ay paghahatian ng mga mananalo. Hindi tulad ng regular betting na nakasalalay sa odds ang panalo. Ang pool betting ay makapagbibigay ng malaking halaga ng pera kung tama ang magiging hula mo sa laro. Bagamat maraming sports ang pwedeng gamitin sa pool betting, ang horse racing at football ay may kalamangan pagdating sa pool betting dahil sa unpredictable at multi-outcome na katangian nito.
Basahin din: Bonus sa araw-araw na deposito ng OKBet, alamin kung paano makukuha
Contact Us