Sign Up

Search the website

Mga Iba’t-Ibang Uri ng Cue Sports

Mga Iba’t-Ibang Uri ng Cue Sports
Date: August 30, 2023 / Author: Dgenlord Segismundo

Mga Iba’t-Ibang Uri ng Cue Sports

 

Isa ang cue sports sa mga paboritong sports ng mga pilipino. Isa ito sa mga larangan kung saan tayo ay matagumpay at nakilala sa buong mundo ang ilan sa mga master ng billiards na sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante. Pero alam mo ba na ang cue sports ay may iba’t-ibang uri? Sa artikulo na ito ipapaliwanag natin ang mga variant ng cue sports na maaari mong gamitin sa iba’t-ibang pool betting games sa mga online casino platforms.

 

 

Ano ang Cue Sports?

Ang cue sports ay grupo ng laro na naimbento noong ika-labinlimang siglo. Ito ay may mga kagamitan na ginagamit tulad ng cue (sticks), bola, at lamesa. Sa dami ng uri ng cue sports, ilan sa mga sikat na uri nito ay ang pool o billiards na may historical legacy na bumabalik pa sa taong 1893.

Sa mga larong ito, ang paraan ng paglalaro ay nagkakaiba-iba depende sa kung anong partikular na laro ang lalaruin. Halimbawa, ang bumper pool ay may katangi-tanging paraan ng paglalaro kung saan ang lamesa ay hugis octagon kumpara sa billiard table na parihaba. Ang karaniwang paraan naman ng paglalaro ng Cue Sports ay ang paghuhulog ng mga bola sa bulsa ng lamesa bago ito magawa ng iyong kalaban.

 

Iba’t-ibang uri ng Cue Sports

Artistic Billiards – Ang artistic billiards ay isang variant ng carom billiards kung saan may ilang players and nagpapakita ng kanilang galing sa pamamagitan ng pag-execute ng 76 predefined na tira na may iba’t-ibang antas ng hirap. Ang bawat tira ng mga manlalaro ay may katumbas ng puntos na ibinibigay lamang kung ang tira niya ay katangi-tangi. Ang puntos na maaaring ibigay sa mga manlalaro ay rumarango mula 4 hanggang 11.

Sa sport na ito, ang total available points ay mayroong buod na 500 points na nanggagaling sa resulta kung tagumpay ang tira na 76 designated shots. Ang pangangasiwa ng sport na ito at nasa ilalim ng Confederation International of Billiards and Artistic Billiards (CIBA) Ang mga manlalaro ay inaatasan na gumawa ng mahihirap na tira at binibigyan lamang sila ng hanggang tatlong pagkakataon para ito ay mapagtagumpayan.

Ang pagiging successful sa laro na ito kinakailangan ng matinding galing dahil kailangan na ang bawat tira ay smooth alinman sa force draws, compound rail jerking, jumps, sidespin, at force follows.

 

 

Balkline and Straight Rail – Ang balkline ay karaniwang may-spelling na balk line. Ito ay tumutukoy sa iba’t-ibang kategorya ng carom billiard games. Ang mga laro na ito ay karaniwang nilalaro sa lamesa na walang bulsa na may sukat na 5 feet by 10 feet at mayroong cue balls kasama ang pangatlong bola na kulay pula. Ang balkline ay nahahati ang lamesa na tinatawag na balk spaces. Sa mga spaces ana ito, ang mga manlalaro ay kailangan makakuha ng puntos sa itinakdang limitasyon habang nananatili ang bola sa isang specific area sa lamesa.

 

 

Bank Pool – Ang Bank Pool ay kumakatawan bilang isang uri ng Cue Sports na may isang sentral na patakaran. Sinasabi dito na ang lahat ng scored shots ay kailangan ng banking o kailangan na tumama sa lamesa patungo sa isang specific na lugar. Kahit na ang laro na ito ay may maraming iterasyon, ang karaniwang bersyon na ginagamit para sa isang set ay mayroong fifteen-set ng bola. Sa setup na ito, ang tagumpay ay makukuha kapag ang isang manlalaro ay matagumpay na nakakuha ng walong bola. Ang isang pang bersyon ng laro, ay ang “nine-ball banks,” ito ay naging popular noong 1990s at 2000s. Sa bersyon na ito, siyam na bola ang ginagamit, at ang mga manlalaro ay kinakailangan makakuha ng limang bola upang matiyak ang tagumpay.

 

 

Bar Billiards – Ang lamesa ng bar billiards ay may specific na setup na may haba na 33.5 inches at may lapad na 56.5 inches mula sa isang kanto patungo sa kabila. Sa halip na tradisyunal na pockets, ang mga pockets ng bar billiards ay mayroong sunken holes. Mayroon itong limang sunken holes na nakahilera sa lamesa at may specific value na nakapaloob sa bawat butas. Ang mga value ay may bilang 30, 20, 10, 20, at 30.

Katabi ng bawat grupo ng apat na butas ay ang pattern ng brilyante at apat na skittles. Ito ay mayroong isang black skittle, dalawang white skittle, at isang red skittle. Gayunpaman, sa ibang bersyon nito maaari din na mayroon itong isang black skittle, at tatlong red skittle. Ang mga skittle na ito ay karaniwang slender pins na may horizontal bar sa itaas para hindi ito mahulog sa butas.

Ang laro na ito ay mayroong walong bola na kinabibilangan ng pitong kulay puti at isang kulay pula. Ang mga puting bola ay ang scoring elements.

 

 

Baseball Pocket Billiards – Ang baseball pocket billiards ay kilala rin sa tawag na baseball pool. Ito ay isang multiplayer pocket billiards game na mayroong terminolohiya at elemento mula sa sport na baseball. Kahit na ito ay nilalaro sa karaniwang pool table, mayroong ito na aspeto na hiram sa baseball tulad ng, ang 9 ball ay tinatawag na “pitcher,” ang table foot ay tinatawag na “home plate,” at mga manlalaro ay binibigyan ng “nine innings” para magkaroon ng maraming “runs” hanggat kaya ng isang manlalaro.

 

 

Konklusyon

Ang cue sports ay may malawak na dami ng variants na nakuha ang loob ng maraming tao at propesyonal na manlalaro. Mula sa artistic billiards at bank pool, ang bawat isa ay mayroong unique na paraan ng paglalaro. Liban kung ito ay ang Carom billiards o pocketing balls, ang cue sports ay patuloy na lalago at magbibigay ng kasiyahan at pananabik sa mga manlalaro nito at manonood. Dahil sa katangian nito, nabigyan ng pagkakataon ang iba’t-ibang pool betting games ng pagkakataon na ma-enjoy ng maraming bettors sa buong mundo.

 

Basahin din: POGOs: Masama o Maganda?