Football
Dahil football ang pinakasikat na sport sa buong mundo, madaling makahanap ng mahahabang listahan ng mga football league. Nagbibigay ang mga ligang ito ng kapana-panabik na aksyon na gugustuhin mong panoorin at tayaan.
Kung naghahanap ka ng mapagkakatiwalaang online platform upang tumaya sa mga pinakamakabuluhang football league sa buong mundo, asahan mo ang OKBet. Kami ang nangungunang serbisyo na nagbibigay ng magandang football betting para sa mga football fan sa bansa.
May hinahanap ka bang partikular na football league para tayaan? Malaki ang tsansang nag-aalok kami ng magagandang odds para rito!
Tuwing naririnig ng mga Filipino na sikat na laro ang football, natural isipin kuntg gaano karaming football leagues ang meron sa mundo. Maaaring magbago ang sagot sa tanong na ito ayon sa kung aling mga liga ang bibilangin sa listahan.
Kung isasama mo sa listahan ang lahat ng liga na naglalaro ng football, madaling aabot ng libo ang dami nga football league sa mundo. Subalit mapapaiksi mo ang listahang ito kung lilimitahan mo ang pwedeng bilangin sa mga ligang mataas ang antas ang kumpetisyon at puno ng mga lalaki. Mayroong 209 na ligang pwedeng mabilang kung ganito ang kwalipikasyon na ilalapat.
Para sa artikulong ito, kailangang bigyan ng depinisyon ang isang propesyonal na football league. Isa itong luga kung-saan tinuturing ng mga manlalaro at coaching staff ang football bilang kanilang trabaho.
Maraming propesyonal na football leagues sa Europa, kung saan may football pyramid ang halos bawat bansa. Meron ring mga liga sa Asia, North America, South America, Africa, and Oceania.
Kahit na gusto mong sundan ang lahat ng mga football leagues sa mundo, impossible mo itong magawa dahil sa dami nito. Mayroon ring liga ang bansa sa Philippines Football League.
Ngunit kahit marami ang liga sa bansa, iilan lamang ang tinuturing na pinakasikat na football leagues sa mundo. Nasa mga ligang ito ang mga pinakamagagaling na atleta, coaches, at mga laro.
Ang mga sumusunod na liga ay perpekto para sa mga taong gustong manood at tumaya sa football.
Ang Premier League ang pinakamataas na antas ng propesyonal na football sa Inglatera. Mga koponan mula sa Inglatera at Wales ang naghaharap sa mga laro nito mula Agsoto hanggang Mayo upang malaman kung aling koponan ang pinakamagaling.
Itinatampok ng English Premier League standing ang 20 sa mga pinakamagagaling na club mula Inglatera at Wales. Kinakalaban nila ang ibang mga koponan sa liga nang dalawang beses sa isang taon, ngunit maaaring mabago ang schedule ayon sa mga kompetisyon kung saan sila kasali.
Maaaring manalo ng tatlong puntos ang isang club pag mapanalunan nila ang laro. Kung tabla ang resulta ng laro, makakakuha ng tig-isang puntos ang dalawang koponan.
Pagkatapos ng bawat Premier League season, ang club na may pinakamaraming puntos o may mas mataas na goal difference ang mananalo sa liga. Ang mga team na magtatapos sa top four ay maaari ring makapaglaro sa Champions League.
Ang mga koponan na magtatapos na panlima hanggang pampito ay maaaring makapaglaro sa Europa League at Conference League, ngunit may mga kondisyon bago mangyari yun. Ang tatlong club na nasa ilalim ng standings ay relegated papunta sa EFL Championship.
Kung magtanong ka sa mga football fan kung alin ang pinakamagaling na team sa Premier League, maaari nilang sagutin nila ang kanilang paboritong club o ang mga nangunguna sa liga. Ngunit hindi ganoon kasimple ang sagot.
Ang Manchester United ang may pinakamaraming Premier League championships sa kasaysayan ng liga. Mayroong 13 tropeyo ang Red Devils, at malabo pang makahabol ang iba sa kanila. Subalit kailangang tandaan na lahat ng ito ay nangyari noong coach pa nila si SIr Alex Ferguson.
May mga namang magsasabi na ang Manchester City ang pinakamagaling na team. Mayroon na silang anim na Premier League titles, at nasa kanila ang ilan sa mga pinakamagagaling na manlalaro sa mundo.
May mga ibang club rin na nakapagbigay na ng magadang laro sa nagdaang taon. Nagawa ng Arsenal na tapusin ang isang season nang hindi natatalo. Malakas rin ang Chelsea noong 2000s.
Tinapos ng Liverpool ang paghihintay ng mga fans para sa Premier League trophy noong 2020. Habang wala masyadong kampeonato ang Tottenham, isa rin sila sa mga pinakamalalakas na team.
Isa naman ang Leicester sa mga pinakanakakatuwang underdog stories sa Premier League, kung saan napanalunan nila ang kampeonato noong 2016 kahit na hindi marami ang mga sikat nilang player.
Hindi lamang ang mga club na nabanggit sa taas ang dapat bigyan ng pansin. Marami ring Premier League clubs na dapat bigyan ng pansin.
Halos isang daang taon na rin mula noong manalo ang Newcastle United sa Premier League. Subalit gaganda ang takbo ng kanilang kapalaran pagkatapos nilang mabili ng mga Arabong owner na handang maglabas ng pera para sa club.
Kung naghahanap ka ng magagaling na underdogs, dapat mong panoorin ang Brighton at Brentford. Kaya nilang makipagsabay kahit hindi ganoon kalaki ang kanilang mga budget dahil sa matalinong player recruitment at mga magagandang taktika.
Ang ibang clubs na madalas mong makita sa Premier League ay Everton, Fulham, Crystal Palace, West Ham, at Aston Villa.
KIlala bilang Campeonato Nacional de Liga de Primera Division, ang La Liga ang pinakamataas na antas ng football sa Espanya. Makikita mo rito ang mga pinakamakasaysayang mga koponan at magagaling na manlalaro.
Tulad ng Premier League, mayroong 20 clubs sa La Liga na nagtutunggalian para sa rurok ng ligang ito. Makakapaglaro sa Europa ang mga club na nasa top six, habang tatlo ang malalaglag tungo sa La Liga 2.
Kahit na pareho sila ng sistema ng Premier League, mahirap sabihin kung sino ang nangungunang team sa La Liga. Iba-iba ang pangangailangan ng mga club bawat season, at may mga nadadagdag o nawawalang player na binabago kung paano maglaro ang isang koponan.
Noong 2022/23 season, nanguna ang Barcelona kontra Real Madrid at Atletico Madrid. Subalit mahirap rin sabihin kung matatapos ba nila ang season bilang kampeyon.
Dahil laging naghahanap ng paraan ang mga club kung paano mapabuti ang kanilang mga koponan, mahirap malaman kung alin sa mga ito ang pinakamagaling na team sa liga bawat taon.
Kung maraming clubs na pwedeng ituring na hari sa Premier League, dalawang koponan lang talaga ang pwedeng kunsiderahin kapag tinatanong kung sino ang pinakamagaling na team sa La Liga table.
Ang dalawang tinutukoy na koponan ay ang FC Barcelona at Real Madrid. Marami silang fans sa buong mundo, at sobrang magkaiba ang istilo ng football na kanilang nilalaro.
Real Madrid ang pinakamatagumpay na koponan sa kasaysayan ng La Liga. Mayroon silang 35 La Liga titles at 24 na runners-up medals. Mahilig silang bumili ng mga magagaling na manlalaro tulad ni Cristiano Ronaldo at Eden Hazard upang palakasin ang kanilang koponan.
Samantala, sikat ang Barcelona sa kanilang possession-focused football at sa kanilang ideyal na mag-develop ng mga manlalaro mula sa kanilang sikat na La Masia football academy. Mayroon silang 26 La Liga trophies at 27 runners-up titles. Maraming magagaling na player tulad ni Lionel Messi ang nakapaglaro sa team, ngunit hindi rin sila takot bumili ng mga player.
Kabilang sa mga naging dating kampeon ng La Liga ang Atletico Madrid (11), Athletic Bilbao (8), Valencia (6), and Real Sociedad (2).
Kapag iniisip ng mga football fans ang Barcelona, madalas nilang iniisip ang kasalukuyang koponan na tinatalo ang kanilang mga kalaban nang may style.
Subalit alam mo bang sangkot sila sa pinakamalaking panalo sa kasaysayan ng La Liga?
Talunan ang Blaugrana sa isang 12-1 laro kontra Athletic Bilbao noong 1931. Walang magawa ang kanilang depensa kontra kay Bata, na naka-iskor ng hat-trick sa loob ng 30 miunto. Tinapos niya ang laro na may pitong goals.
Kinumpleto nila Lafuente, Iraragorri, Garizurieta, at Roberto ang score. Samantala, si Goburu lamang ang naka-iskor para sa Barca. Kinumpleto ng own goal ni Sastre sa ika-71 na minuto ang kahihiyan ng kanyang koponan.
Ang Bundesliga ang pinakamataas na liga ng football sa Germany. Nabuo ito noong 1962, at nanggaling rito ang iilan sa mga pinakamagagaling na football player sa mundo ngayon.
Kumpara sa ibang liga, mayroon lamang 18 koponan sa ligang ito. Ang anim sa mga pinakamagagaling na club ay makakapaglaro sa Europa habang dalawa ang agad relegated. Ang pangatlong pinakamahinang koponan ay haharap sa pangatlong-pinakamagaling na koponan sa 2. Bundesliga upang manatili sa ligang ito.
Kapag hinanap mo sa internet ang pinakamalaking panalo sa kasaysayan ng Bundesliga, magugulat kang makita ang Borussia Dortmund dito. Sila ngayon ang isa sa mga pinakamagagaling na koponan sa liga sa kasalukuyan.
Ngunit hindi mabubura sa kanilang kasaysayan ang mapait nilang pagkatalo sa kamay ng Borussia Monchengladbach. Sa huling araw ng 1977/78 Bundesliga season, naka-iskor ang kanilang kalaban nang 12 beses habang walang nagawa ang kanilang atake.
Mas mapait pa na hindi sila nanalo sa Bundesliga dahil rito. Dahil sa larong ito, natalo sila sa goal difference na tatlong goal.
Gaya ng ibang sikat na football league sa mundo, mahirap magbigay ng eksaktong sagot sa tanong na, “Ano ang pinakamagaling na team sa Bundesliga? Ngunit maraming magsasabi na iisang koponan lang ang sasakto sa tanong na ito.
Nanalo nang sampung diretsong Bundesliga titles ang Bayern Munich mula 2012/13 hanggang 2021/22. Nais nilang mapanatili ito sa kasalukuyang season at sa mga susunod pang taon sa pamamagitan ng pagbili nang magagaling na players at pagkuha sa mga elite na coaches.
Ngunit gagawin ng Dortmund ang lahat upang mapatumba ang Die Bayern. Patuloy silang nagiging competitive sa liga salamat sa pagkuha nila sa mga magagaling na atleta at sa kanilang development program.
May mga ibang koponan ring sinusubukang talunin ang Bayern Munich sa mga nagdaang taon. Kabilang rito ang RB Leipzig, SC Freiburg, Union Berlin, Wolfsburg, at Bayer Leverkusen.
Ang Serie A TIM ang pinakamalaking football league sa Italya. Mayroon itong makulay na kasaysayan bilang isa sa mga pinaka-prestihiyosong liga sa kasaysayan. Sikat rin sila dahil sa kalidad ng football na kanilang binibigay.
Mayroong 20 koponan ang Italian top flight mula sa bawat sulok ng bansa. Ang mga club na magtatapos sa top six ay kwalipikado maglaro sa mga European competition. Samantala, ang tatlong pinakamahinang team ay babagsak sa Serie B.
Tulad ng Bundesliga, sikat ang Serie A dahil iisang koponan lang ang madalas manalo rito. Tanging tatlo lang ang nakapanalo ng Scudetto nang higit sa sampung beses.
Juventus ang pinakamatagumpay na koponan sa kasaysayan ng Serie A. Mayroon silang 36 Scudettos at 21 runners-up medals. Hindi sila mapigilan noong 2010s, kung saan napanalunan nila ang Serie A mula 2011/12 hanggang 2019/20.
Ang dalawang club ng Milan, ang Inter Milan at AC Milan, ang dalawang sunod na club na marami ang tropeyo. Parehong may 19 na Serie A medals ang dalawang koponan. Napanalunan ng Nerazzurri ang kampeonato nong 2020/21, habang sumunod ang Rossoneri noong 2021/22.
Kabilang sa mga koponang nanalo ng Serie A ang Genoa, Torino, Bologna, Roma, Napoli, at Lazio.
Noong 2010s, malinaw na Juventus ang hari ng Italian football. Liban sa kanilang winning streak, marami silang magagaling na player tulad ni Cristiano Ronaldo.
Subalit nagbago ang ihip ng hangin noong dumating ang bagong dekada. Napanalunan ng Inter Milan at AC Milan ang dalawang unang Scudetto ng dekada. Sa 2022/23 season, namamayagpag naman ang Napoli, Lazio, Milan, Inter, Roma, at Atalanta.
Samantala, hirap naman ang Juventus manalo ng mga laro. Habang kasama pa rin sila sa sampung pinakamalalakas na koponan sa liga, masyado pa rin silang malayo sa Serie A title.
Mahaba pa ang dekada at maaaring makabawi ang Old Lady. Subalit sa ngayon, mukhang mahihirapan ang mga taong hulaan kung sino ang pinakamagaling na team sa Serie A.
Pag tinanong mo ang mga football fans kung sino ang pinakamagaling na Serie A player sa kasaysayan, iba-iba ang kanilang isasagot. Dahil iba ang kanilang mga ideyal sa mga manlalaro, hindi nakakagulat kung magkakaiba sila ng sagot.
May mga sasagot na si Paolo Maldini ang dapat turingin na pinakamagaling. Naglaro siya sa tatlong dekada para sa AC Milan, at nanalo siya ng 23 trophies sa kanyang karera.
Ituturo naman ng iba si Diego Maradona. Ginugol niya ang walo sa sampung taon niya sa Europa bilang striker ng Napoli, kung saan naka-iskor siya ng 81 goals at nakapagbigay ng 19 assists sa 187 na laro sa Serie A.
May mga iba namang ituturo sila Francesco Totti, Cristiano Ronaldo, Gianluigi Buffon, o Fabio Cannavaro. Subalit makakasiguro tayong ang mga manlalarong ito ay karapat-dapat mabilang sa usaping ito.
Kumpara sa ibang liga, hindi gaanong maganda ang reputation ng Ligue 1. Tinuturing silang farm league ng isang koponan, ngunit mayroon rin silang magandang football na ipinapakita.
Mahigpit ang labanan sa ligang ito dahil dalawa lang ang Champions League spots nila. Ang pangatlong team sa table ay dadaan sa Champions League qualifiers, habang ang ika-apat at ikalimang team ay dapat makuntento sa Europa League at Conference League.
Maraming magagaling na striker na naglalaro sa France. Marahil napatanong ka na sa iyong sarili, “Sino ang pinakamagaling na striker sa Ligue 1?”
Sa 2022/23 season, nasa PSG ang tatlong pinakamagagaling na striker sa mundo. Walang magawa ang mga kalaban nila kapag nagsama-sama sila Kylian Mbappe, Neymar, at Lionel Messi.
Ngunit marami ring magagaling na attackers sa Ligue 1. Kabilang sa mga dapat pansinin ng mga tao sila Jonathan David, Alexandre Lacazette, Wissam Ben Yedder, at Folarin Balogun.
Marami na ring naging magagaling na striker ang Ligue 1 sa kasaysayan niyo. Kabilang sa kanila sila Zlatan Ibrahimovic, Edinson Cavani, Pauleta, at Jean-Pierre Papin.
Madaling kuwestiyunin ang konteskto ng tanong kung sino ang pinakamagaling na team sa Ligue 1. Habang may madaling sagot, ibang koponan ang ituturo ng kasaysayan.
Isa sa mga pinakamagagaling na club sa Europe ang Marseille, at mayroon na silang sampung league titles na napanalunan. Sampu rin ang mga tropeyong nauwi ng Saint-Etienne.
Ang mga ibang team na dati nang nanalo sa Ligue 1 ay AS Monaco, Girondins Bordeaux, FC Nantes, at Lille OSC.
Subalit alam ng marami na PSG ang pinakamalakas na team sa kasalukayan. Patuloy silang namamayagpag dahil sa suportang pinansyal mula sa kanilang mga mayayamang may-ari. Dahil sa dami ng kanilang pera, kaya nilang bumili ng mga magagaling na players at coaches.
Madaling maghanap ng updated na listahan ng mga Ligue 1 teams. Subalit kailangan laging i-update ito dahil apat na koponan ang bumabagsak sa Ligue 2 pagkatapos ng bawat season.
Subalit makakasiguro ka na may mga koponang mananatili lagi sa Ligue 1. Hindi mawawala ang PSG, Lille, Monaco, Saint-Etienne, Marseille, at Nice sa ligang ito, liban na lamang kung naging sobrang pangit ng kanilang mga laro.
Ang Champions League ay isang taunang torneyo kung saan naghaharap ang mga pinakamagagaling na koponan sa Europa. Mga league winners at ibang mga malalakas na koponan ang pwedeng maglaro para sa Champions League trophy.
Lahat ng ligang nabanggit sa taas ay may slots sa group stages. Ang mga kampyeon at ibang mga top teams mula sa ibang UEFA member leagues ay dadaan sa qualifiers.
Kung natanong mo kung aling team ang number 1 sa Champions League group stage, madali itong malaman. Ang mga club mula sa mga pinakasikat na mga liga ang madalas paboritong makaabot sa knockout stages.
Nagiging mahirap ang tanong pagdating sa knockout stages. Maraming pwedeng makaapekto sa laro ng team, tulad ng mga taktika, manlalaro, at mga injuries.
Ngunit kung hanap mo kung sino ang pinakamalakas na team sa kasaysayan ng kompetisyong ito, Real Madrid ang tamang sagot. Napanalunan nila ang torneyong ito nang 14 na ulit. Sumusunod ang AC Milan (7), Liverpool (6), at Barcelona (5).
Naisip mo ba kung sino ang pinakamatagumpay na player sa Champions League? Dahil sa dami ng mga team na napanalunan ang tropeyo na ito nang ilang ulit, madaling isipin na may mga atletang maraming Champions League medals.
Hindi ka nagkakamali kung iisipin mo na galing sa Real Madrid ang taong ito. Sa katunayan, ang listahan ng mga multi-Champions League winners ay puno ng Los Blancos players tulad ni Cristiano Ronaldo, Isco, Casemiro, Karim Benzema, at Toni Kroos.
Subalit lahat ng manlalarong ito ay mayroon lamang limang titles sa kanilang pangalan. Si Paco Gento ang tamang sagot sa tanong na ito. Siya ay naglaro para sa Madrid noong 1950s at 1960s, at mayroon siyang anim na Champions League titles.
FIFA World Cup ang pinakamataas na batayan ng football sa buong mundo. Nangyayari ang torneyong ito kada apat na taon, kung saan ang mga pinakamagagaling na mga bansa sa mundo ay naghaharap para maiangat ang Coupe du Monde.
Masaya panoorin at tayaan ang World Cup dahil kayang talunin ng mga underdogs ang mga paborito. Isang magandang halimbawa ang 2022 World Cup dahil sa dami ng mga malalakas na team na maagang umuwi.
Mahirap sabihin kung sino ang number 1 na bansa sa FIFA men’s rankings. Habang may klarong impluwensya ang World Cup sa magiging ranko, maraming bagay na makaka-impluwensya sa pwesto ng bansa.
May mga pagkakataong ang top-ranked team ay hindi man lamang nakatungtong sa nagdaang World Cup finals. Isang magandang halimbawa ang Brazil: sila ang pinakamalakas na team ayon sa FIFA noong Abril 2023, ngunit hindi sila nakapunta sa Finals sa Qatar.
Kung may isang siguradong bagay, iyon ang pagiging paborito ng mga bansang nasa Top 10 na mapanalunan ang World Cup.
Narinig mo siguro na magbabago ang format ng FIFA World Cup sa 2026. Napatanong ka siguro kung gaano karaming teams ang nasa mga susunod na FIFA WOrld Cup.
Ang sagot sa iyong tanong ay 48. Marahil masyadong marami ang numerong ito para sa mga tradisyonal na fans. Maaaring sinasabi rin ng mga tao na halatang naghahabol ng pera ang FIFA upang palawigin ang mga pwedeng makasali sa torneyo.
Subalit kailangan ring tignan ito mula sa isang footballing na pananaw. Sinisigurado nito na makakapaglaro sa World Cup ang mga karapat-dapat na mga bansa. Maraming magagaling na team ang hindi nakasali sa nagdaang World Cup dahil sa onti ng pwedeng makalaro.
Ito lamang ang iilan sa mga pinakasikat na football leagues na pwede mong tayaan sa OKBet. Habang marami pang itinatampok na liga ang aming platform, ang mga nakalista sa taas ang mga pinakaimportante na dapat alam ng bawat manlalaro.
Kung gusto mong manalo habang nahuhumaling sa football, gumawa na ng OKBet account!
Contact Us