American-Football
Nakakamangha ang American football dahil kaya nitong pagsamahin ang athletisismo at stratehiya. Bagaman hindi pa masyadong sikat ang sport na ito sa Pilipinas, naniniwala ang OKBet sa potensyal ng sport na ito na magbigay ng aliw at malalaking premyo para sa mga manlalaro nito.
Kami ang pinakamalaking brand pagdating sa pag-promote ng American football sa mga Filipino. Sa aming online sports betting service, binibigyan namin ang mga manlalaro ng Pilipinas ng dahilan upang manood ang mga tao sa sport na ito.
Kahit na mas mahal ng mga Amerikano ang sport na ito, mayroon itong mga katangiang magugustuhan ng mga manunugal sa ating bansa. Dahil dito, matiyaga naming binuo ang American football betting platform na ito.
Kung nais mong manalo ng pera mula sa pagtaya sa American football games, gamitin mo ang aming online betting service.
Dalawang koponan ng 11 manlalaro ang maghaharap sa isang rectangular na field. Ang layunin ng American football ay makaiskor nang mas maraming puntos kaysa sa kalaban.
Maaari itong makamit sa pamamagitan ng pagdadala o pagbato ng bola sa end zone ng kalaban. Makakapagtala rin sila ng puntos sa pamamagitan ng pagsipa ng bola tungo sa goalpost ng kalaban.
Ang laro ay nahahati sa apar na quarter, at nag-iiba ang haba ng bawat quarter ayon sa antas ng laro (15 minuto para sa mga propesyonal, 12 minuto sa college football). Dahil sa pisikal na labanan, nagsusuot ng proteksyon ang mga manlalaro tulad ng helmet, shoulder pads, at iba pang protective gear.
Gumagawa ang mga koponang naglalaro ng paraan upang mapigilan ang kanilang mga kalaban sa buong laro. Madalas na may mga pagkakataon kung saan sentimetro o segundo lamang ang makakasalba sa down ng opensa. Nagreresulta ito sa mga highlight plays na pinapanood natin lagi.
Dahil sa malakas na suporta sa sport mula sa grassroots hanggang sa propesyonal na level, naging malaking phenomenon ang American football sa Estados Unidos. Kahit na mabagal ang pagtanggap ng ibang bansa, unti-unting nakikilala ng mundo ang American football.
Tulad ng pangalan nito, ang American football ay bahagi ng basketball at baseball bilang isang sport na sinimulan sa Amerika. Gayunpaman, makikita sa kasaysayan na nanggaling sa ibayong dagat ang larong ito.
Gridiron football ang tamang pangalan ng sport na ito dahil sa mga pahalang na yard linesna nakikita sa field. Galing ang sport na ito sa rugby at association football, dalawang magkaibang sport na may similaridad noong ika-19 na siglo.
Unang lumitaw ang larong ito sa Hilagang Amerika, kung saan iba’t-ibang mga unibersidad ang lalaro nito. Ang pinakaunang inter-collegiate game ay nangyari sa pagitan ng Princeton at Rutgets noong ika-6 ng Nobyembre 1869.
May mga ibang anyo ang football noong panahon nila, at naging malinaw na lamang ang laro noong tinatag ni Walter Camp ang mga patakaran na nagdikta kung ano magiging itsura ng laro ngayon. Si Camp ay isang manlalaro at coach ng Yale University na tinaguriang “Ama ng American Football” dahil sa kanyang mga nagawa.
Nagpakilala siya ng mga ideyang tulad ng pagtangal ng opening scrum habang may laro. Pinakilala niya ang konsepto na 11 tao lamang ang pwedeng maglaro sa field, line of scrimmage, pati na rin ang ibang konsepto ng sport.
Hindi naging propesyonal ang football hanggang 1920, kung kailan nabuo ang American Professional Football Association. Ang prupesyonalisasyon ng laro ang naging susi sa pagiging maganda ng American football ngayon.
Maaaring hindi alam ng mga manunugal kung hindi nila alam ang pinagkaiba ng rugby at American football. Madali ngang malito sa dalawa dahil parehas na pisikal ang dalawang ito, at layunin ng mga koponan dito na madala ang bola sa end zone.
Subalit malaki rin ang pinagkaiba ng dalawang laro. Isa sa mga pinakamalalaking pagkakaiba ang dami ng mga manlalaro sa field: 11 lamang ang pwedeng maglaro sa American football habang hinayaan ng rugby na 15 ang maglalaro sa field.
Hindi nauubos ang substitutions na pwedeng gamitin ang mga American football team. Samantala, hindi pinapayagan ng rugby na makabalik sa field ang manlalarong ginamitan ng substitution. Pitong beses rin lamang pwedeng gamitin ang mga ito.
Isa pang malaking pagkakaiba ng dalawa ay ang nibel ng proteksyon na ginagamit ng mga manlalaro. Kailangan ng mga manlalaro ng American football magsuot ng helmet, shoulder at chest pads, leg protectors at gum shields. Sa kabilang banda, tanging gum shields lamang ang madalas suotin ng mga rugby player.
Ang bilis ng daloy ng laro ang huling nag-iiba sa dalawa. Halos hindi tumitigil sa paggalaw ang mga manlalaro ng rugby, habang humihinto ang laro sa American football kapag natapos na ang play o nakarating na sa end zone ang bola.
Mukhang kumplikado ang American football rules para sa mga sports fan na hindi pamilyar dito. Matututunan mo rin ang mga patakaran na ito kapag nanonood ka ng mga American football games, subalit makakatulong rin sa iyong panonood kung alam mo ang mga ito.
Nahahati ang mga American football games sa apat na quarter, at may half-time sa gitna nito. Depende sa level ng laro, maaaring magtagal ang isang quarter ng 12 o 15 minuto.
Mayroong tatlong time-outs ang mga koponan kada half na pwede nilang gamitin kahit kailan. Kung matapos ang laro na tabla, magkakaroon ng sudden-death na overtime na magtatagal nang 15 minuto.
Hindi madaling maintindihan ang scoring system ng American football, kaya kailangan alam mo paano ito gawin.
Makakakuha ka ng anim na puntos kung maka-iskor ka ng touchdown. Makukuha ng mga kuponan ito kapag nadala ang bola lampas sa goal line o nasalo ito sa end zone.
Madalas sumusubok ng extra points ang mga koponan pagkatapos maka-iskor ng isang touchdown. Pag nasipa nila ang bola sa gitna ng mga upright na goalposts, bibigyan sila ng isang puntos. Maari rin nila uling dalhin ang bola sa endzone upang maka-iskor ng dalawang puntos.
Ang field goal naman ay madalas subukan sa fourth down kung abot ng kicker ang uprights. Kapag matagumpay niyang nasipa ang bola papunta roon, bibigyan ang kanyang team ng three points.
Kaya rin maka-iskor ng depensa kung ma-tackle nila ang kalaban sa loob ng kanilang end zone. Ang tawag rito ay safety, at bibigyan nito ang depensa ng dalawang puntos.
Ito ang isa sa mga pinakamalalaking pagkakaiba ng American football mula sa ibang sports. Binibigyan ang opensa ng apat na subok (o downs) upang maitawid ang bola nang 10 yards. Tuwing magagawa nila yun, magkakaroon ng panibagong 10-yard limit kung saan nababa ang bola.
Magpapatuloy ito hanggang makarating ang opensa sa end zone. Mahihirapan sila maitawid ang bola sa end zone dahil maliit na lamang ang lugar na kailangang bantayan ng depensa.
Maghaharap ang captains ng dalawang team upang malaman kung sino sa kanilang dalawa ang mauunang hawakan ang bola. Pinapagdesisyunan ito sa pamamagitan ng coin toss. Malayang piliin ng nanalong koponan kung sila ba ang unang makakakuha ng bola at kung saang parte sila ng court magsisimula.
Malaki ang isang gridiron field. May haba itong 120 yards at lapad na 53 ½ yards. Ang goal lines ay makikita sa magkabilang dulo ng bawat field, at ang pagitan sa dalawa ay eksaktong 100 yards.
May mga yard lines na tumatawid sa lapad ng field kada limang yards, at ang yard line sa gitna ay tinatawag na 50-yard line. Ang goalposts ay makikita sa dulo ng magkabilang football end zone.
Iba na ang takbo ng laro ng American football ngayon. Specialisado na ang mga atletang naglalaro nito, at magaling sila sa kanilang ginagawa.
Kung kailangan mo ng isang kumpletong American football positions list, dumating ka sa tamang lugar. Magsisimula tayo sa opensa bago dumiretso sa depensa at special teams.
Ang quarterback ay ang itinuturing na utak ng opensa. Ang mga manlalarong ito ang inaatasang hanapin ang libre nilang kakampi at ibato ang bola sa direksyon nila. Pwede rin nilang baguhin ang play kung may nakita silang kakaiba sa formation ng depensa.
Kailangan ng malakas na throwing arm, vision, at mabilis na pagdedesisyon upang mabato ang bola sa kakampi. Kailangan rin nilang maging maliksi at mabilis sa tuwing may gagawing blitz ang kalabang depensa.
Hindi madalas napapansin ang trabaho ng mga offensive linemen, pero mahalaga sila sa tagumpay ng kanilang team. Pinoprotektahan nila ang quarterback at binibigyan siya ng oras upang gawin ang tamang play.
Kailangan palaging may limang taong bubuo sa offensive line. Eto ang posisyon ng mga linemen mula sa mata ng mga quarterback:
Ang pinaka-unang responsibilidad ng running back ay kunin ang bola mula sa quarterback at dalhin ito lampas sa line of scrimmage. Kailangan nila maging mabilis at maliksi upang maiwasan ang mga kalabang gusto siyang sunggaban.
Importante ang running back dahil mapipilitan ang depensa na bantayan siya. Ngunit may mga running back rin na kayang saluhin ang bola kung sila ay libre.
Kakaiba ang mga fullback. Mayroon silang bilis upang tumakbo kontra sa mga kalaban, ngunit kaya rin nilang gumawa ng mga malalakas na block tulad ng mga offensive linemen.
Hindi na masyadong sikat ang posisyon na ito sa modernong anyo ng sport, ngunit may mga team pa rin sa professional at collegiate levels na gumagamit ng fullback.
Madalas kabilang sa mga pinakamabibilis na atleta ng team. Madalas silang nagsisimula sa labas ng offensive line dahil doon may malaking espasyo. Gumagawa sila ng paraan upang makawala sa kanilang mga bantay at sinasalo nila ang bola.
Dahil sa likas nilang atletisismo, kaya nilang gumawa ng mga hindi kapani-paniwalang mga highlight plays.
Kung matuturing na kombinasyon ng running back at offensive lineman ang fullback, ang tight end naman ay kumukuha ng inspirasyon sa linemen at wide receivers. Kaya ng mga tight end na pumila kasama ang mga linemen at magprovide ng blocks kontra sa mga blitz.
Ngunit mayroon rin silang bilis at lakas upang maging lehitimong passing target ng quarterback. Ang kanilang kakaibang skillset ang dahilan kung bakit sila sikat sa professional football.
Isa lamang ang pakay ng mga defensive linemen: sugurin ang quarterback o running back at sunggaban ito. Ang mga defensive linemen na pumipila sa gitna ng line of scrimmage ay tinatawagna defensive tackles, habang ang mga nasa dulo ng defensive line ay tinatawag na defensive ends.
Gumagamit sila ng power at skill upang malampasan ang mga linemen at makarating sa QB. Importante ang mga linemen na ito dahil pinipilit nila ang kalabang signal caller na gumawa ng desisyong ayaw niyang gawin.
Pumuposisyon ang mga atletang ito sa likod ng defensive line. Depende sa dami ng mga linemen sa formation,maaaring may tatlo o apat na linebackers. Madalas na mas maliit at mas mabilis sila sa mga linemen, at mahalaga silang bahagi ng QB blitzes.
Responsable rin sila sa pagbantay sa running back. Dapat malakas rin ang linebacker upang kaladkarin ang mabilis na running back patungo sa lupa.
Ang mga cornerback at safety ay parte ng defensive backfield o secondary. Nakapila sila sa labas ng line of scrimmage at naghahanap ng wide receiver na babantayan.
Madalas silang kabilang sa mga pinakamabibilis na atleta ng team dahil kailangan nilang sabayan ang mga wideout sa kanilang routa. Madalas nilang sinusubukan makagawa ng interception o paluin ang bola upang hindi makumpleto ang pasa.
Ang mga safety ang huling mga defender na pipigil sa kalaban maka-iskor ng touchdown. Nasa kanila ang responsibilidad na hanapin ang mga butas sa defensive coverage ng team at tulungan silang marating ito.
Nahahati ang mga safety sa dalawa, strong at free. Ang mga strong safety ay madalas pumila sa panig ng field kung nasaan ang tight end. Samantala, ang free safety ay naaatasang bantayan ang area at hanapin kung saan maaaring pumunta ang bola.
Ang mga kicker ang sisipa ng bola tuwing kickoff. Sila rin ang madalas sumubok sa mga field goals at extra point.
Ang mga punter ang sisipa ng bola palayo sa kanilang end zone kung sakaling hindi magawa ng team lampasan ang 10-yard limit sa loob ng tatlong downs. Kailangang maging mataas ang kanilang sipa upang maging malapit ito sa end zone.
Ang mga punter rin minsan ang hahawak ng bola tuwing susubukan ng kicker ang field goal o extra point.
Ang mga kick returner ang madalas sumasalo sa mga bolang sinipa pagkatapos ng kickoff at tumatakbo papunta sa end zone. Mahirap minsan ang trabahong ito dahil lahat ng kalaban ay nakatutok sa iyo.
Ang mga punt returner ay katulad ng mga kick returner, ngunit mga punts ang madalas nilang saluhin. Nasa kanila rin kung sasaluhin ba nila ang bola pagkatapos nito bumagsak. Ang bolang na-punt na napunta sa end zone ay awtomatikong mailalagay sa 25-yard line.
Ang mga long snapper ay mga center na naaatasang i-snap ang bola papunta sa kicker o punter. Kailangan na malakas ang kanilang mga braso dahil kailangan rin kaagad nilang bantayan ang defender nila.
Masaya panoorin ang American football dahil sa kalidad ng aksyon at istratehiyang nakaugnay rito. Ang kumplikado ngunit diretsahang nature ng sport na ito ang dahilan kung bakit masaya itong tayaan.
Kung gusto mong tumaya sa American football, gumawa na ng OKBet account ngayon! Mahahanap mo ang mga pinakamagagandang odds para sa mga pinakamalalaking American football games sa mundo sa aming online betting service.
Contact Us