Poker
Mapa-pisikal na casino o online casino, marami laging naghahanap ng poker, lalo na sa Pilipinas. Ang antas ng kumpetisyon sa mga naglalaro ng online poker sa bansa ay napakataas, kaya ang dapat mong hanapin ay isang betting platform na perpekto para sa mga mapiling manlalaro ng poker.
Mahirap makahanap ng ideyal na online poker platform dahil sa dami ng mga makikita mo sa internet. Gayunpaman, dapat mong piliin ang isang mapagkakatiwalaang online platform na makapagbibigay ng pinakamagandang karanasan sa paglalaro ng online poker.
Kung nais mo makapaglaro sa pinakamahusay online poker sa bansa, walang mas hihigit pa sa OKBet. Bilang nangungunang digital betting platform sa bansa, mayroon kaming online poker service na hahayaan kang makataya at makapag-bluff patunga sa pot habang nasa loob ng iyong tahanan.
Sa madaling salita, walang pagkakaiba ang mga online poker games sa mga larong makikita mo sa mga pisikal na casino. Tao pa rin ang makakalaban ng mga manlalaro ng online poker, at layunin mo pa ring malinlang ang iyong mga kalaro upang gumawa ng maling desisyon.
Iba-iba ang paraan ng pagkampanya ng mga online sites para sa kanilang poker service, at mayroong kakaunting pagkakaiba sa kanilang mga produkto. Gayunpaman, lahat ng mga ito ay nag-aalok ng issang konsepto, mapanalunan ang pot gamit ang pinakamainam na hand. Maaari ka ring gumamit ng mga bluffs upang kumbinsihin ang iyong mga kalarong mag-fold.
Sa OKBet, ang aming mga online poker games ay nangunguna sa bansa. Tinitiyak namin na ang karanasan na makukuha mo sa aming online poker services ay katumbas sa mararanasan mo sa mga pinakamagagandang casino sa bansa.
Maraming dahilan kung bakit dapat kang maglaro ng online poker para sa pera sa Pilipinas. Ang unang benepisyo ng online poker ay isa itong magandang platform para sa mga baguhan. Mahirap maglaro ng poker sa casino kung bago ka pa lamang. Maraming bagay na pwedeng makagulo sa iyong paglalaro.
Tinatanggal ng online poker ang mga stimuli na ito upang makapagtutok ka sa iyong paglalaro. Bukod dito, makakatulong ang pamilyar na kapaligiran ng iyong bahay sa iyong paglalaro.
Ang ikalawang dahilan bakit maganda maglaro ng online poker ay ang kawalan ng lohistikang paghahanda ng mga kakailanganin. Kapag maglalaro ka sa casino, kinakailangan mong isaalang-alan kung paano ka pupunta sa casino, magkano ang perang ipangsusugal mo, at ano ang iyong isusuot.
Hindi mo kakailanganing isipin ang mga ito kung maglalaro ka sa isang pinagkakatiwalaang online platform. Ang kailangan mo lamang gawin ay suotin ang pinakamaaliwalas mong damit, mag-top up sa iyong account, at magsimulang manalo sa pamamagitan ng mga tamang calls at bluffs.
Mas madali ring magawa ang mga bluffs sa online poker. Dahil hindi nakikita ng mga batikang manlalaro ang ekspresyon ng iyong mukha at kilos ng iyong katawan, kakailanganin nilang umasa sa iyong taya, sa mga iyong kilos sa mga nakaraang round, at sa kanilang mga baraha kung malakas nga ba ang hawak mo o hindi.
Isa pang malaking benepisyo ng online na poker ay mas maraming pwedeng makapaglaro nito. Mataas ang cash-in sa mga poker table sa casino dahil mayroon silang inaalagaang building at mga gamit. Mababa lamang ang cash-in sa mga online casino tulad ng OKBet dahil hindi nila kailangan ng pisikal na pasilidad para gumana.
Nakakaintrigang laro ang poker dahil kailangan nito ng kaalaman at pagsasanay upang tunay na maging magaling sa larong ito. Kung nag-aaral ka pa lamang maglaro ng poker online, makakatulong sa iyong paggaling bilang poker player ang bahaging ito.
Nagbabago ang mga patakaran ng laro ayon sa uri ng poker na iyong lalaruin, ngunit iisa lamang ang pinakapunto ng mga larong ito: talunin ang ibang manlalaro gamit ang iyong mga baraha. Pwede mo sila talunin gamit ang value ng iyong hawak o sa pamamagitan ng panlilinlang.
Ang unang bagay na dapat mong malaman sa poker ay mayroong iba’t-ibang halaga ang mga hands sa larong ito.Makakatulong sa iyong pagpapasya kung alam mo ang halaga ng mga hands sa isang poker game.
Dapat alam mo rin kung ilan ang mga betting round sa tipo ng poker na nilalaro mo. Madalas ay pwede ka nang tumaya at mag-bluff pagkatapos ibigay ang mga baraha sa iyo. Maaari ring magkaroon ng mga betting rounds sa flop, turn, at river.
Ang isang bagay na nag-iiba sa poker mula sa ibang table games ay ang mga blind or ante. Ito ay mga tayang kailangan ibigay ng mga manlalaro sa simula ng bawat poker hand. Ang isang blind ay doble ng halaga sa isa.
Ang pag-bluff ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng laro. Pwede mong itanim sa isip ng iyong mga kalaro na malakas ang mga hawak na baraha mo sa pamamagitan ng pagtaya. Kayang pasukuin ng isang matagumpay na bluff ang mga kalaban mong hindi sigurado sa mga hawak mong baraha.
Marami kang pwedeng gawin sa isang laro ng poker. Pwede kang mag-call sa tayang gagawin ng iyong mga kalaro. Maaari mong lakihan ang pot. Kung wala kang kumpiyansa sa lakas ng mga baraha mo, pwede ka rin mag-fold. Maaari ka ring mag-check at ipagpatuloy ang laro. Kung naniniwala ka sa hawak mong mga baraha, pwede mo ring itaya lahat ng chips na meron ka.
Ang huli (at pinakamahalagang) bagay na kailangan mong tandaan sa isang poker game ay panatilihing kalmado ang sarili. Kaya kang talunin ng iyong mga kalaban kung nahahalata nila ang iyong kaba, kaya mahalagang matutunan mo kung paano kontrolin ang iyong emosyon.
Mahalagang alam mo kung anong klaseng mga hands ang malalakas kung nais mong malaman kung paano manalo sa online poker. Makakatulong sa iyo ang kaalamang ito na gawin ang nararapat na aksyon ayon sa iyong mga baraha.
Narito ang mga sumusunod na hand values na makukuha mo sa poker, mula sa pinakamalakas hanggang sa pinakamahina.
Royal flush ang pinakamagandang hand na maaari mong makuha sa poker. Nagtatampok ito ng limang sunud-sunod na card ng parehong suit, mula sa 10 hanggang sa ace.
Ang limang baraha na may parehong suit at sunud-sunod na halaga ay itinuturing na straight flush. Kahit hindi ito kasing-lakas ng royal flush, mataas pa rin ang halaga ng hand na ito.
Makakakuha ka ng four of a kind kung mayrooon kang apat na pare-parehong baraha na magkakaiba ang suit. Kukumpletuhin ng pinakamataas na baraha sa mesa o kamay ang hand na ito.
Makakakuha ka ng flush kung mayroon kang limang card na iisa ang suit. Hindi kailangang magkakasunud-sunod ang value ng mga barahang ito upang mabuo ang flush. Kung may dalawang manlalaro na may flush, mananalo ang hand na may pinakamataas na baraha.
Makakabuo ka ng straight kung mayroon kang limang baraha na sunud-sunod ang numerical value. Hindi mahalaga ang mga suit para makuha ito.
Makakakuha ang mga player ng three of a kind kung mayroon silang tatlong baraha na may parehong ranggo sa magkaibang suit. Ang dalawang pinakamataas na baraha sa table or kamay ng manlalaro ang kukumpleto sa hand na ito.
Gaya ng sinasabi ng pangalan nito, ang two pair ay binubuo ng dalawang magkaibang pares ng baraha. Ang baraha na may pinakamataas na value ang bubuo sa hand na ito.
Ang pair ay binubuo ng dalawang baraha na may parehong value. Ang mga bubuo sa hand na ito ay ang mga pinakamatataas na baraha sa kamay at table.
Ito ang pinakamahinang poker hand. Ang barahang may pinakamataas na value sa iyong kamay ang tangi mong pag-asang manalo sa round na iyon.
Ngayong alam mo na ang mga pinaka-kailangan mong malaman sa larong ito, oras nang talakayin ang mga pinaka-ideyal na online poker strategies. Kahit na maaari kang maglaro ng online poker na hindi alam ang mga ito, makakatulong ang mga ibabahagi na konsepto sa section na ito.
Kung gusto mong manalo nang malaki, sundin ang mga sumusunod na online poker tips:
Kung walang klarong plano ang iyong paglalaro, agad na malalaman ng iyong mga kalaban na hindi mo alam ang iyong ginagawa. May mga paraan ang mga beterano upang ubusin ang bankroll ng kanilang mga katunggali.
Mahalagang pipiliin mo lamang ang iyong mga tatayaan. Maging agresibo sa pagpusta piling mga set ng baraha upang ipakita sa mga kalaban mong may pagkakataon kang manalo nang malaki tuwing tumataya ka.
Kung mayroon kang malakas na hand, gumawa agad ng paraan upang mapalaki ang pot. Pag-isipin mo agad ang iyong mga kalaban kapag tumaya ka nang malaki.
Sabihin nating mayroon kang AA o QJ. Maglagay ka ng pain na taya upang kumbinsehin ang mga kalaban mong tumaya rin. Kapag kumagat sila at pumabor ang resulta ng flop, maaari mong ituloy ang iyong pagtataya.
Kung nakakuha ka ng mga barahang mahirap ipanalo, mainam na ikaw ay mag-fold agad. Mas magiging mahalaga ito kung hindi ka naatasan sa isa sa mga blinds. Hindi magandang ideya na ipilit laruin ang iyong hawak kung malabo kang manalo.
Kung baguhan ka sa poker, maaaring gusto mong maglaro ng maraming rounds upang maging magaling dito. Maaaring naisip mong maglaro kahit na hindi maganda ang iyong pisikal o mental na kalagayan.
Dapat ka lamang maglaro kung maganda talaga ang iyong kondisyon. Ang paglalaro kapag may sakit o emotional ay negatibong makakaapekto sa iyong paglalaro.
Piliin ang pinakamagandang online poker platform upang manalo ng malaki rito. OKBet ang pinagkakatiwalaan ng maraming Filipino para sa de-kalidad nitong online poker at iba pang casino games. Kung naghahanap ka ng magandang karanasan sa poker, piliin ang OKBet bilang iuyong online betting partner.
Gumawa ng OKBet account ngayon at magsimulang manalo nang malaki!
Contact Us