Sign Up

Search the website

The Continued Growth of Online Gambling and Challenges

The Continued Growth of Online Gambling and Challenges
Date: May 10, 2023 / Author: TJ

Paglago at Pagsubok ng Online Gambling

Nakitaan ng patuloy na paglago ang online gambling nitong mga nakaraan, lalo na noong kasagsagan ng Covid-19. Ito ang isa sa mga pinaka-profitable na industriya sa buong mundo at kabilang sa tagapaghatid ng entertainment sa mga tao sa loob ng mga lockdown.

Dahil sa patuloy nitong pagsikat, ang online gambling industry tuluy-tuloy ang pagbabago lalo na’t marami nang technological innovations na nakaka-impluwensya sa panlasa ng mga tao pagdating sa entertainment.

Inanunsyo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ang target ng bansa para sa 2023 gross gaming revenue ay nasa $4.5 bilyon o P244.84 bilyon.

Ayon pa rito, parte ng dahilan dahil sa napakalaking target ay ang pagluwag ng mga health protocols. Dahil na rin sa pagbalik ng mga mananaya sa mga casinos at paglalaro sa mga online platforms, nakitaan ng PAGCOR ang industriya ng malaking pagbabago sa revenue.

Ngunit bakit nga ba naisipan ng PAGCOR chairman at CEO Alejandro Tengco ang ganitong bagay? Ang dahilan ay dahil sa mga sumusunod:

OKBet Ang Patuloy na Paglago ng Online Gambling at Kaakibat na Pagsubok

Pagtaas ng Paggamit ng Mobile Phones

Ang mga innovations sa mga mobile phones at ang patuloy na pag-unlad at pagbilis ng internet ay nakakaapekto sa mga tao upang tutukan lang ang kanilang mga gadget. Ang prediksyon ng Statista ay mayroong posibilidad na magkaroon ng 5.3 bilyon internet users sa bansa pagtungtong ng 2023, at 4 na bilyon ang gumagamit ng cellphones.

Ang pagkakaroon ng bilyun-bilyon na konsumer, kasabay ng mas pinabilis na gadgets ay nangangahulugan ang pagdami ng mga taong nagkakaroon ng access sa mga online gambline services. Ang pag-access ay mas magiging madali dahil na rin sa mga aplikasyon o di kaya naman ay mga mobile-friendly na websites.

Pag-angat ng Online Sports Betting

Bagama’t hindi legal sa ibang mga bansa ang online sports betting, patuloy ang paglago nito lalo na sa mga batang kalalakihan.

Nitong 2021, ang online sports betting ay pumalo ng $35.2 bilyon. Inaasahan ito na sa pagpatak ng 2030, aabot ang worldwide revenue ng industriya ng higit-kumulang $74.99 bilyon.

Pangunahing dahilan bakit nagiging popular ang online sports betting ay dahil sa dami ng klase ng sports na pagpipilian ng mga manlalaro. Ang mga mananaya ay madaling makakataya sa nais nila tulad ng basketbol at futbol, hanggang sa mga motorsport, cue sports, at marami pang iba.

Dagdag pa rito, ang teknolohiya ay binigyan ng oportunidad ang mga online gamblers na masundan ang mga laro sa pamamagitan ng live streaming. Ang mga online bookmakers o bookies ay nag-aalok na rin ng real-time odds, isang feature na hindi madalas makikita sa mga tradisyunal na sports betting operators.

Pagtanggap at Pagka-legal ng Online Gambling Industry

Ang online gambling ay patuloy ang paglago dahil karamihan sa mga bansa ay ginawang legal at regulated ang naturang industriya. Maraming nadiskubreng benepisyo ang industriyang ito, at nakita ito ng iba’t-ibang gobyerno lalo na pagdating sa tax revenue.

Bukod pa rito, ang mga lisensyadong platforms tulad ng OKBet ay nakakapaghatid ng karagdagang trabaho na nakakatulong hindi lamang sa ekonomiya ngbansa ngunit pati na rin sa mga taong naghahanap ng mapagkakakitaan.

Ngunit dahil na rin sa patuloy nitong paglago, ang online gambling ay humaharap din sa mga problema na nangangahulugang malayo pa ito sa perpeksyon na ninanais.

Cyberattacks

Ang cyberattacks ang pinakalaganap na banta sa internet, at ang online gambling industry ay hindi ligtas sa mga ganitong klase ng pag-atake.

Ang mga cybercriminals ay may kakayahang ilagay sa kapahamakan ang mga datos, pinansyal na transaksyon, at ang integridad ng naturang platform.

Madalas na gamit ng mga ito ay phishing, malware, ransomware, DDoS, at iba pa. Kaya naman mahalaga na ang isang online gambling platform ay mayroong cutting-edge na cybersecurity, at mahalagang dapat na tignan ang seguridad ng website o gaming operator.

Iligal Pa Rin ang Online Gambling sa Ibang Bansa

Bagama’t legal na ang online gambling sa maraming bansa, may ilan pa rin ang hindi nagpapahintulot sa ganitong klase ng entertainment, gaya ng China na ipinagbabawal ito. Ito ang isa sa mga dahilan bakit napipigilan ang paglago at pag-unlad ng naturang industriya dahil hindi nito maaaring pasukin ang isang mas malawak na merkado gaya ng bansang Tsina.

Dapat ding sumunod ang mga gaming operators sa mga batas na ipinapatupag ng mga bansa kung saan sila ay lisensyadong mag-opera. Halimbawa na lamang sa Pilipinas, ang mga laro gaya ng mahjong, jai alai, at online sabong ay ipinagbabawal.

Problema sa Mentalidad

Nakakaadik ang pagsusugal, at isa ito sa mga dahilan bakit ikinababahala na mas mapanganib ang online gambling. Isa sa mga problema kung bakit ang sugal, kagaya ng sports betting, ay hindi maganda ang tingin ng ibang bansa ay dahil sa nagkakaroon ang mga mananaya ng problema sa pagsusugal, adiksyon, money laundering, at iba pa. May problema rin sa underage betting lalo na sa mga online gambling sites na hindi lisensyado ng kahit na anong ahensya.

Ngunit sa kabila ng mga problemang ikinakaharap nito, ang online gambling ay tulad din ng ibang industriya. Ang patuloy nitong pag-unlad ay isang testamento na mayroon itong potensyal na makapaghatid ng proft sa isang bansa. P’wede rin itong sanhi ng innovation at diversification, pati na rin ng customer loyalty at retention, pag-expand ng merkado at penetration, at marami pang iba.

Basahin: Mga Pekeng OKBet Website na Dapat Mong Iwasan