Poker Strategy Guide: Maging Master sa Laro | Ultimate Tips
Ang Poker ay isa sa Online Casino Game na may challenging na aspeto sa laro. Hindi lamang sapat na kaalaman ang maaaring makapag-panalo sa iyo dito, pati na rin ang sapat na kakayahan upang makagawa ng bluff at maloko ang ibang manlalaro para sila ay mag fold. Kaya naman sa artikulo na ito, ipapakita namin sa inyo ang tamang poker strategy guide upang kayo ay makapaglaro ng maayos sa online poker.
Ano ang Poker?
Bago tayo pumunta sa ating poker strategy guide. Tayo ay maging pamilyar muna sa kung ano ang poker.
Ang poker ay kasali sa malawak na kategorya ng casino card games kung saan ang mga manlalaro ay naglalaban-laban kung sino ang may pinakamagandang baraha base sa mga specific game rules. Ito ay nai-enjoy sa buong mundo bagamat may kanya-kanyang rules ang bawat isa depende sa kung anong bansa ito nilalaro. Ang unang poker game ay nagsimula gamit lamang ang 20 na baraha, pero ngayon ginagamitan na ito ng standard deck mula alas ng hearts, spades, flowers, at diamond hanggang King ng hearts, spades, flowers, at diamond. Sa mga lugar na ginagamit ang short decks, gumagamit sila ng 32, 40, o di kaya naman ay 48 na baraha. Bilang resulta, ang poker games ay nagkakaiba sa bilang ng deck, numero ng baraha sa mismong laro, pamamahagi ng face-up or face-down card, at mga baraha na ibinibigay sa mga player. Gayunpaman, ang bawat isa ay umiikot sa rounds of betting.
Sa mga bagong poker variations, ang inisyal na betting round ay nagsisimula sa isa o dalawang player na may mandatory bets na tinatawag na blind o antes. Sa tradisyunal na poker, ang mga manlalaro ay tumataya base sa value ng baraha na nakuha nila. Ang betting ay umiikot pakanan o clockwise, habang ang mga manlalaro ay magdedesisyon kung sila ba ay mag-call, mag-raise, o mag-fold. Kung ang lahat ng manlalaro ay nag-fold maliban sa isa, ang natirang manlalaro ay ang makakakuha ng pot ng hindi ipinapakita ang kanyang baraha. Kung may mga ilang manlalaro naman na natira matapos ang final betting round, ipapakita nila ang baraha nila at ipagkukumpara kung sino ang may mas malakas na baraha base sa river at siyang magwawagi ng pot.
Hindi kasama ang compulsory bets, ang mga manlalaro ay nagbibigay lamang sa pot sa kanilang kagustuhan, kung sa tingin nila na taya nila ay may value o kung hindi kaya naman ay balak nilang mag-bluff bilang isang strategy. Bilang resulta, kahit na ang hand outcomes ay dumedepende sa swerte, ang outcome ng laro ay magbabase pa din sa desisyon ng mga player, psychological strategy, at game theory.
Ang popularidad ng poker ay nagsimula pa noong 20th century, na nagsimula sa pagiging isang libangan ng maliit na grupo ng tao tungo sa pagiging isang sikat na card games sa land-based casinos, online casinos at mga tournaments na nagbibigay ng malaking halaga ng panalo.
Ano ang Online Poker?
Ang online poker ay isang bersyon ng sikat na casino card game na malalaro sa pamamagitan ng internet at nagbigay ng importanteng role sa paglago ng online poker fans sa buong mundo. Ayon kay Christiansen Capital Advisors, ang revenue na nakuha sa online poker ay nagkaroon ng mataas na bilang, mula $82.7 million noong 2001 hanggang $2.4 billion makalipas lamang ang apat na taon. Sa iba pang study ayon kay DrKW at Global Betting and Gaming Consultants, ang online poker ay nakakuha ng revenue na nagkakahalaga ng $1.4 billion noong 2004. Sa isang testimonya na inihayag sa United States Senate sa subject na Internet Gaming, sinasabi na isa sa apat na dolyar ay itinataya online.
Sa kabilang banda naman, ang online poker ay may kalamangan sa mga poker sa “brick and mortar casino”. Ito ay sa kadahilanan na nakaka-intimidate ito sa umpisa lalo na sa mga baguhan sa paglalaro ng poker. Kung minsan pa ito ay nasa malalayong lugar na hindi kayang puntahan ng ilang tao. Kaya din naman mas sikat ang online poker ay dahil hindi masyadong pino-promote ng mga land-based casinos ang laro na ito. Isa kasi ito sa may mga pinakamababang profit kumpara sa mga casino games na nagbibigay ng malaking kita tulad ng slot machines, baccarat, at blackjack. Masyado din mabusisi ang mga poker rooms, kaya naman kung minsan ay walang poker table sa mga land-based casino. Para mas magkaroon kayo ng ideya, ang statistics ayon sa Gaming Accounting Firm na si Joseph Eve ay sinasabi na 1% lamang ang kontribusyon nito sa pangkalahatang kita ng mga land-based casinos.
Poker Strategy Guide
Aggressively playing fewer hands
Mayroong limitasyon sa bilang ng starting hands na pwedeng laruin sa no-limit Texas Hold’em, kahit pa ang mga magagaling na players. Ang paglalaro sa bawat hands na ibinibigay ay maaaring makapagbigay sayo ng maraming talo. Maliban na lamang kung ang swerte ay pumapanig sayo.
Ang pagawa ng isang magandang pre-flop poker strategy ay nagbibigay ng mabilis at pinaka-epektibong paraan para mas tumaas ang iyong overall poker performance. Gayunpaman ang pagbuo ng preflop strategy ay isang straightforward task na kailangan ng disiplina upang ito magawa. Hindi din kasi madaling matukso sa bawat hand na ibibigay sayo sa online poker.
Ang pinaka-magandang gawin ay ang paglalaro sa iba-ibang seleksyon ng baraha na malakas at may potensyal na manalo. Kapag nakakuha ka ng malakas na baraha, marapat lamang na ito at laruin mo ng agresibo. Ang mga baraha na maaari mong gamitan ng ganitong strategy ay 10 pataas. Maaari mo din naman gamitin ng may pag-iingat ang 7 of spades, 6 of spades, o 5 of hearts at 5 of flowers.
Sa paggamit nito at pag-raise ng taya, ang kalaban mo ay malilito kung ikaw ba ay mayroong A-A, A-K, o 7-6, at pagmumukain ka nito na malakas na kalaban. Ang paglalaro ng agresibo at may kasamang strategy ay susi para sa pagkapanalo sa laro.
Limping is a big no-no
Ang pag-call sa big blind (isang move na tinatawag din na “limping“) ay isa sa hindi magandang gawin sa online poker, lalo na kung ikaw ang unang mag-dedesisyon sa laro. Ito ay sa kadahilanang:
- Inability to Seize the Pot Pre-Flop: Ang paggamit ng limping ay tinatanggalan ka ng pagkakataon na makuha ang pot bago ang flop, na makukuha mo kung ikaw ay nag-raise.
- Enticing Pot Odds for Opponents: Kapag ikaw ay gumamit ng limping, binibigyan mo ng magandang pot odds ang mga susunod na manlalaro sa iyo, na magdudulot sayo ng mga kalaban na magpapababa sa pagkakataon mo na manalo.
Ang pagkakataon na maaari mong gamitin ang limping ay kung may naunang player ang gumamit nito. Ang strategy na ito ay tinatawag na over-limping,” at ito binibigyan ka ng pagkakataon na makuha ang pot odds lalo na kung ang flop cards ay papanig sayo.
Bluffing is the key
Upang ikaw ay maging magaling na online poker player, ang pag-master sa bluff ay kailangan. Gayunpaman ang pag-iwas sa walang kabuluhan na bluff ay importante, dahil kung hindi mo ito magagawa ng maayos, may pagkakataon na maubos ang iyong pera. Paano nga ba ito magagamit ng wasto?
Ang pinakamagandang paggamit ng bluff ay kung ang baraha ba na hawak mo ay karapat-dapat na gamitin sa bluff. Kung ikaw ay gagamit ng strategy na bluff, siguraduhin na ang baraha mo ay may pagkakataon pa din na manalo kahit na ito ay bluff. Laging tignan kung ang baraha mo ay makakabuo ng straight, flush, o kahit isa o dalawang higher-ranking cards sa river o community cards.
Laging bigyan ng konsiderasyon ang mga ito dahil ang mga kombinasyon na nasabi sa itaas ay ang magiging fallback strategy mo kung sakaling ang bluff mo ay hindi kinagat ng ibang manlalaro.
Know when to fold
Ang isang malaking pagkakaiba ng mga ordinaryong manlalaro at propesyonal na manlalaro ay ang abilidad na mag fold ng malakas na baraha, tulad ng top pair kung sa tingin nila ay may manlalaro na mas malakas ang baraha sa kanila.
Mukha lang itong madali pero kung ikaw ay nasa laro na, hindi ito basta-bastang strategy na magagawa lang ng kahit sino. Ito ay sa kadahilanan na bawat isa sa atin ay may kagustuhan na maging panalo sa lahat ng bagay.
Ang mga maling call o raise sa poker ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkatalo ng isang manlalaro kasunod ng hindi magandang bluff. Kung ikaw ay nakaramdam ng hindi maganda sa iyong baraha, mas mabuti na mag fold na lang upang maiwasan ang maling desisyon.
Pro Tip: Kung nagdesisyon ka na mag fold, mabuti na i-record ang mga nagdaan na baraha para sa post-session analysis. Sa paraan na ito, magkakaroon ka ng pagkakataon na aralin ang iyong mga desisyon kung tama ba ito o mali. Sa paraan na ito mas mapapabuti mo pa ang iyong poker skills at kaalaman sa laro na ito.
Take advantage of your opponents when they show weakness
Isang kalimitang pagkakamali ng mga manlalaro ay ang hindi pagtingin sa baraha kung ito ay kayang lumaban sa multiple bets. Kung minsan at sinubukan nila itong tignan, ang baraha nila ay mayroong mahinang value na may posibilidad na magfold kapag natapatan ng malakas na multiple bets. Ang isang magandang halimbawa nito ay ang “bluffing with nothing.”
Kapag mayroon naman na pagkakataon na ang kalaban mo ay nagpakita ng mga senyales na sila ay may mahinang baraha kapag nilabanan ng one-on-one pot, tulad ng paulit ulit na pagtingin sa flop at turn, dito, maaari mong gamitin ang bluff lalo na kung ang baraha mo ay may kalakasan din naman.
Konklusyon
Ang pag-master sa laro ng poker online ay kinakailangan ng halong skill, strategy, at discipline. Para ikaw ay magtagumpay, alalahanin lang ating guide na sinabi sa artikulo na ito:
Maglaro ng mas mababang bilang ng baraha at laruin ito ng agresibo upang ang kalaban mo ay patuloy na manghula kung ikaw ba ay may mahina o malakas na baraha.
Hangga’t maaari iwasan ang “limping”, mas mabuti kung ikaw ay mag-raise o hindi kaya naman ay gamitin ang strategy na “over limping.”
Huwag basta-basta mag-bluff kung ang baraha na hawak mo ay walang potensyal na makakuha ng kombinasyon sa river o community cards.
Alamin ang tamang oras kung kailan ka dapat mag-fold ng malakas na baraha kung nakakaramdam ka na may higit pang malakas sa mga kalaban mo.
I-take advantage ang kahinaan na pinapkita ng iyong mga kalaban lalo na kung hindi nila alam na sila ay nagpapakita ng mga senyales na mahina ang baraha nila.
Sa pagsunod sa mga guidelines na ito at patuloy na pag-eensayo, mas mapapalaki mo ang pagkakataon na maging matagumpay ka sa mundo ng poker online. Tandaan, ang pagiging matagumpay sa online poker ay hindi lamang sa mga barahang ibinibigay sayo, kundi dahil na din sa paraan mo ng paglalaro.
Basahin din: Ang mga Higanteng Online Poker Players sa Mundo
Contact Us