Sign Up

Search the website

Online Casino laban sa Land Based Casino alin ang mas nakakataas?

Online Casino laban sa Land Based Casino alin ang mas nakakataas?
Date: August 14, 2023 / Author: Dgenlord Segismundo

Online Casino laban sa Land Based Casino alin ang mas nakakataas?

 

Isa sa mga sikat na libangan sa buong mundo ay ang pagsusugal. Walang antas ang hindi pwedeng gumawa o maglaro nito. Maraming paraan na din ng pagsusugal ang naimbento simula noong ito ay unang makilala at tangkilikin ng mga tao. Maaring ito ay sa pamamaraan ng baraha, dais, mga pisikal na laro tulad ng basketball, volleyball, football, at iba pa, o kaya naman ay sa electronic sports, o mas kilala sa tawag na “esports“.

Sa pagdami ng mga uri ng sugal, siya din namang pagdami ng mga casino sa ibat-ibang parte ng mundo. Subalit sa patuloy na paglago ng teknolohiya, umusbong na din ang industriya ng online casino na siya namang mabilis ding tinangkilik ng madla. Ngunit ano nga ba ang mas maganda sa dalawa? Iyan ang ating pag-uusapan sa blog na ito.

 

 

Ano ang land based casino?

Ang land-based casino ay isang uri ng gusali kung saan makikita ang ibat-ibang uri ng laro na kung saan ay pwede kang manalo ng pera. Kilala din ang land-based casino sa pangalang ladrilya at mortar na pasugalan o brick-and-mortar casino sa ingles. Ang pangalan na ito ay ginawa upang bigyan o lagyan ng pagkakaiba ang katapat nito sa larangan, walang iba kung hindi ang online casino.

Ang karaniwang land-based casino ay matatagpuan bilang isang indibidwal na gusali o kaya naman ay nasa loob ng isang resort o hotel. Ilan sa mga halimbawa nito ay New Coast Hotel Manila, Solaire, Casino Filipino Grand Regal, Waterfront Hotel and Casino, Okada Manila, City of Dreams, at Resorts World Manila.

 

Ano ang online casino?

Tulad ng land-based casino, ang online casino ay isa ding plataporma kung saan pwede kang maglaro, tumaya at manalo ng pera. Ang kaibahan lang nito kumpara sa land-based casino, hindi mo na kailangan dumayo o pumunta sa mga lugar na nabanggit sa itaas para lamang makapaglaro ng casino games. Subalit bago ka makapaglaro ng mga ito, kailangan mo ng mga aparato tulad ng kompyuter, laptop, o kaya naman ay selpon.

Ang online casino ay maaring gamitin sa pamamagitan internet browser tulad ng Google Chrome, Mozilla Firefox, at Internet Explorer. Pwede din naman mag download ng mga aplikasyon sa selpon upang makapaglaro ng casino games tulad ng blackjack, baccarat, slot machine, at marami pang iba. Ilan sa mga halimbawa ng mga online casino na maaari mong paglaruan ay OKBet online casino, WinZir, Casino Plus, InPlay, FastWin at ArenaPlus.

 

Kalamangan at kahinaan ng bawat isa

Land based casino

Mga kalamangan:

  • Karagdagang serbisyo – Isa sa mga kalamangan ng land-based casino ay ang mga iba’t ibang uri ng serbisyo na maari nilang ialok sa inyo. Kadalasan, ang mga serbisyong ito ay libre tulad ng mga inumin, pagkain, at mga programa.
  • Mataas na adrenalina – Kung ikaw ay nasa loob ng isang land-based casino, ang hiyawan at ingay ng iyong paligid ay nakakapagbigay ng karagdagang kasiyahan na karaniwang hindi makukuha sa paglalaro ng online casino.
  • Maganda sa mga nagsisimula pa lamang – Kumpara sa online casino, kung ikaw ay baguhan sa larangan na ito, mas madali kang matututo dahil ikaw ay maaring magtanong sa mga tauhan ng casino o di kaya naman ay sa mga kapwa mo manlalaro tungkol sa kung paano laruin ang casino game.

Mga kahinaan:

  • Kailangan bumiyahe – Kung hindi ka pupunta sa mga lugar kung nasaan ang mga casino, hindi ka makakapag-laro. Bukod dito, kailangan mo din tiisin ang matinding trapik patungo sa mga ito.
  • Kailangan makisama – Bilang isang pampublikong lugar, hindi lamang ikaw ang may karapatan sa mga serbisyo na binibigay ng isang land-based casino. Kailangan mong makipagkapwa-tao at makihalubilo upang maging masaya ang karanasan mo sa paglalaro.

Kailangan pumila – Hindi maiiwasan na kung minsan, puno o di kaya naman ay maraming tao sa mga land-based casinos. Sa mga ganitong pagkakataon kailangan mong pumila at antayin matapos ang mga manlalaro upang ikaw ay makapaglaro.

Online Casino

Mga kalamangan:

  • Kaginhawaan – Hindi tulad sa land-based casino, ang online casino ay pwede mong laruin nasaan ka man. Maaaring sa bahay, sa kapihan, o sa mga pasyalan. Maari mo din gawin ang iba pang mga gawaing bahay habang ikaw ay naglalaro.
  • Mas maraming laro ang pwedeng pagpilian – Mas marami ang laro na pwede mong pagpilian sa online casino. Hindi lamang ito, may iba’t-ibang bersyon ang bawat isa dahil mas marami at mas angat ang software na ginagamit ng mga online casino operators kumpara sa land-based casino.
  • Mas maraming promosyon – Isa ito sa pinaka angat na kalamangan ng online casino. Nagbibigay sila ng mga promosyon tulad ng bonus sa unang deposito, bonus sa unang pagkatalo, at marami pang iba.

Mga kahinaan:

  • Maraming manloloko – Dahil sa patuloy na pag-sikat at pagiging easy access ng online casino, marami ang sumasamantala na dito ay makapanlamang ng kapwa. Tiyakin na ang online casino na iyong paglalagyan ng pera ay mapagkakatiwalaan, legal at lisensyado.
  • Kakaunti ang pagsasapanlipunan – Kung ikaw ay uri ng tao na mahilig makisalamuha, ang online casino ay hindi para sayo.
  • Problema sa pag cash-out – Kung sa land-based casino ay madali mong makukuha ang iyong napanalunan, sa online casino ay may mga pagkakataon na nagkakaroon ng aberya sa pag-cash-out ng pera. Isang halimbawa dito ay, pag offline ang bangko na ginagamit sa mga transaksyon sa pagitan ng manlalaro at ng online casino.

 

Konklusyon

Sino nga ba ang mas nakakataas sa land-based casino at sa online casino? Alin ang mas maganda? Ang tanging kasagutan dito, ay wala. Totoo na may mga pagkakaiba kung paano ang paglalaro sa land-based at online. Subalit depende sa tao kung alin ang mas makakapag-bigay sa kanya ng saya at kaginhawaan sa paglalaro ng casino games.

Kung hanap ng isang tao ay kaginhawaan, mas bagay sa kanya ang online casino. Pero kung gusto ng isang tao na may kahalubilo siya sa paglalaro, land-based casinos ang bagay sa kanya. Alinman sa dalawa, hindi naman lalaki o liliit ang pagkakataon niyang manalo.