OKBet Online Casino: Ang katangi-tanging gabay sa paglalaro ng Baccarat Online
Ang baccarat ay isang kapanapanabik na laro na pwedeng laruin sa land-based casinos at online casinos. Isa ito sa mga atraksyon sa casino na may pinakamaraming numero ng manlalaro dahil sa kasikatan nito. Ngayon, pwede na itong laruin sa kaginhawaan ng iyong bahay. Kung ikaw ay nahihirapan maghanap ng online casino na swak sa panlasa mo, maaari mong subukan ang OKBet online casino. Mayroon itong iba’t-ibang uri ng baccarat online games tulad ng Virtual Dragon Bonus Baccarat, Super Six Baccarat, Baccarat Deluxe, at marami pang iba. At dahil gusto namin na magkaroon ka ng magandang karanasan sa paglalaro, ituturo namin sa iyo kung paano ito laruin at ang mechanics nito.
Paano laruin ang baccarat?
Upang iyong maintindihan ang mechanics ng baccarat, kailangan mo munang intindihin ang ilang impormasyon na kritikal sa laro mismo.
Unang-una, Ang baccarat table ay mayroong mahigit kumulang sa pito (7) at hindi lalampas sa labing apat (14) na upuan. Gayunpaman, ito ay depende sa bersyon ng baccarat na pinaglalaruan mo. Hindi mahalaga kung ilang manlalaro ang maglalaro dahil dalawang set lang ng baraha ang ilalabas. Ito ay ang baraha ng banker at ang baraha ng player. Hindi bibigyan ng baraha ang bawat isang manlalaro dahil sa tatlong lugar lang sila maglalagay ng taya.
Ngayon, ang tatlong lugar na maaaring paglalagyan ng taya ay ang banker, player, at tie.
Ang layunin ng laro ay hulaan kung kaninong set ng baraha ang mananalo. Ito ay ang baraha ng banker? O ito ba ay ang baraha ng player. Madali lang hindi ba? Pero kung hindi ka makapag desisyon, maari mo din naman tayaan ang tie pero madalang lamang ito mangyari.
Pangalawa, kailangan alamin mo ang halaga ng baraha sa baccarat. Ang mga baraha na may larawan (Hari, Reyna, at Jack) at ang sampu (10) ay may halaga na sero (0). Ang mga baraha naman na may numero bilang dalawa hanggang siyam (2-9) ay mayroong halaga na kahalintulad ng numero sa baraha. (2-2, 3-3, 4-4, 5-5, 6-6, 7-7, 8-8, 9-9) Ang alas naman sa kabilang banda ay mayroong halaga na isa (1).
At ang kahuli-hulihan at pinaka importante na kailangan mong malaman sa paglalaro ng baccarat ay kung paano magdagdag ng halaga. Kung ang halaga ng dalawang baraha na inilabas ng dealer ay lumagpas sa dalawang numero, ang pangalawang numero ang magiging halaga ng baraha.
Halimbawa, kung ang inilabas ng dealer ay lima (5) at hari, dahil sero (0) ang halaga ng hari ang magiging halaga lamang ng baraha ay lima(5). Isa pang halimbawa: Kung ang inilabas na baraha ng dealer ay anim (6) at walo (8), ang kabuuan ng dalawa ay labing apat (14). Aalisin mo lamang ang unang numero at ang pangalawang numero ay ang magiging halaga ng iyong baraha walang iba kung hindi apat (4). Ang baraha na may halaga na pinakamalapit sa siyam (9) ang mananalo.
Ngayon na alam mo na kung paano laruin ang baccarat, pag-usapan naman natin kung paano ibinibigay ang panalo sa larong ito.
Paano ibinibigay ang panalo sa baccarat at gaano kataas ang odds nito?
Ito ang pinaka-kapanapanabik na parte ng bawat laro. Sino ba naman ang may ayaw ng manalo ng pera tama? Pero paano nga ibinibigay ang panalo sa baccarat, at gaano kataas ang odds nito? Alamin natin.
- Kung ikaw ay tumaya sa baraha ng banker
- Ang odds na mananalo ang banker ay mataas lamang ng konti sa player. Ito ay mayroong odds na 45.86% at ang halaga ng panalo ay 1:1.
- Kung ikaw ay tumaya sa baraha ng player
- Ang odds na mananalo ang player ay 44.63%, medyo mababa kumpara sa banker. Ito naman ay panalo sa halagang 1:1.
- Kung ikaw ay tumaya sa tie
- Ang pagtaya na ang baraha ng banker at ang baraha ng player ay magiging pareho ay may mababang odds kumpara sa dalawa. Ito ay mayroon lamang odds na 9.51%. Pero ang halaga ng panalo dito ay malaki at may halaga na 8:1.
Upang mas maunawaan mo ito, narito ang ilang halimbawa kung paano nagkaka-iba ang mga payout.
HAND | BET | OUTCOME | PAYOUT | RETURN |
---|---|---|---|---|
Player | PHP 1 | Win | 1:1 | PHP 1 |
Player | PHP 20 | Win | 1:1 | PHP 20 |
Banker | PHP 1 | Win | 1:1 | PHP 1 |
Banker | PHP 20 | Win | 1:1 | PHP 20 |
Tie | PHP 1 | Win | 8:1 | PHP 8 |
Tie | PHP 20 | Win | 8:1 | PHP 160 |
May mga pagkakataon na ang ibang land-based casinos ay nanghihingi ng 5% commision kapag ikaw ay tumaya sa baraha ng banker. Mapapalitan ang halaga ng panalo sa 0.95:1. Kung sa online casino naman, karamihan ay walang ganitong patakaran.
Konklusyon
Ang paglalaro ng baccarat online ay mukhang teknikal sa umpisa. Pero pag na simulan mo na itong intindihin, isa ito sa pinakamadaling casino games. Kailangan mo lang pakiramdaman kung alin ang baraha na mananalo, at bahala na ang kapalaran sa mga susunod. Ilagay mo na ang iyong taya, malay mo ito na ang susunod na paborito sa paglalaro ng casino games.
Basahin din: Alamin ang mga dapat malaman tungkol sa Online Slot Machines
Contact Us