MATUTO! Paghahambing ng mga Uri ng Betting Odds
Sa mundo ng sports betting, ang pag-unawa sa iba’t-ibang uri ng betting odds ay mahalaga. Sapagkat upang makagawa ng naaayon na desisyon at magkaroon ng malaking panalo, kailangan na maintindihan ito.
Ang mga bookmakers ay gumagamit ng iba’t-ibang mga format ng odds. At sa bawat uri ng odds, iba-iba ang hatid ng mga ito.
Ngunit sa kasamaang-palad, gumagawa lamang ito ng pagkalito. Kaya naman kinakailangang maikumpara ang tatlong uri na ito ng betting odds.
Malaking tulong rin ito upang makapili ka ng angkop na odds upang lagyan ng pusta.
Kapag natuto ka na sa fractional, decimal, at American na odds, mapapadali na ang iyong desisyon pagdating sa pagtaya. Bukod pa rito, lalong tataas ang iyong tyansa na manalo.
Gusto mo bang malaman paano? Magpatuloy upang malaman anu-ano ang mga ito.
Fractional Odds
Ang una ay ang fractional odds, kilala rin bilang British odds. Ito ay isang tradisyunal na format na kadalsang ginagamit sa UK at sa Ireland.
Ang odds ay nasa format bilang fractions o ‘di kaya’y ratios. Ang unang numero (numerator) ay indikasyon ng potensyal na panalo, habang ang pangalawa (denominator) ay ang taya.
Narito ang isang halimbawa:
Kung ang odds ay 5/1, ibig nitong sabihin ay sa bawat pusta, maaaring manalo ng lima sa bawat isang taya.
Ang fractional odds ay nagbibigay ng malinaw na potensyal na panalo, kabilang na ang mga risks na kasama ng taya.
Advantages
Familiarity
Dahil ang fractional odds ay nagmula sa UK at Irish na kultura ng pagtaya, madali itong marekognisa sa naturang bansa.
Malinaw na Profit Calculation
Dahil lagi nitong nililinaw ang halaga kung magkano ang p’wedeng mapanalunan, nagkakaroo ng tiyak na pang-unawa ng mga posibleng balik nito sa mananaya.
Disadvantages
- Mahirap para sa mga baguhan
- Limitado lamang ang gamit sa labas ng UK at Ireland
- Mahirap makahanap ng paghahambing sa ibang bookmakers
- Hindi tumutugma minsan ang odds
- Limitado ang probability
- Hindi balanse ang maaaring maging kaakibat na kapahamakan
Decimal Odds (EU Odds)
Ang decimal odds, o kilala bilang European o continental odds, ay isang tanyag na uri ng odds na madalas ginagamit sa Europa at sa ibang parte ng mundo. Nirerepesenta ito ng decimal numbers. Ang EU odds ay nagpapaktia ng kabuuang potensyal na balik, kasama ng pusta at panalo.
Advantages
Simple
Ang decimal odds ay deretshan at madaling maintindihan. Kaya naman tanyag ito para sa mga baguhang mananaya kasama ng ibang manunugal sa iba’t-ibang bansa.
Madaling Magkumpara
Madali ang pagkukumpara sa mga sportsbook sa pamamagitan ng decimal odds dahil ang halaga ay indikasyon na rin ng kabuuang balik sa mananaya.
Pandaigdigang adapsyon
Ang decimal odds ay sikat hindi lamang sa Europa at Ireland. Gamit na gamit na rin ito sa ibang bansa kaya naman madali itong magamit ng mga mananaya kahit na wala sila sa dalawang bansa na nabanggit.
Bukod pa rito, madalas na ginagamit ito sa mga sports gaya ng basketball, soccer, tennis, at marami pang iba. Ang adapsyon na ito ay nasisiguro na consistent at madali itong magamit ng mga mananaya sa lahat ng sulok ng mundo.
Disadvantages
- Mahirap mahulaan kung sino ang underdog
American Odds
Ang American odds ay kilala bilang moneyline odds. Isa itong popular na tayaan na karaniwang ginagamit sa Estados Unidos.
Ito ay gumagamit ng positive (+) at negative (-) na numero, na kakaiba sa fractional o decimal na odds. Ang potensyal na proft o kita ay malalaman base sa positibo at negatibong mga numero.
Advantages
Positibo/Negatibo na Indikasyon
Ang American odds ay madaling matukoy ang underdog at favorite dahil sa mga simbolo na kaakibat dito.
Kalkulasyon ng Kita sa Underdog
Ang American odds ay gumagamit ng mga kalkulasyon upang matukoy ang potensyal na kita ng mga tumaya sa underdog dahil ibinabahagi nito ang halaga na napanalunan sa bawat P100 na pusta.
Disadvantages
- Kakulangan ng internasyonal na pagkakakilanlan
- Kakulangan sa pang-universal na standardization
- Kumplikadong pag-convert ng implied probability
- Hindi bagay para sa mga baguhan
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Tamang Odds Format
Sa paghahambing ng iba’t-ibang uri ng betting odds, mahalagang ikonsidera ang iyong kaalaman sa sport. Dapat ding isaalang-alang ang mga ito:
- Madaling maintindihan
- Personal na pagkahilig
Bukod pa rito, importante ring maunawaan kung paano kino-convert ang mga formats ng mga odds upang masiguro na akma ang paghahalintulad sa iba’t-ibang sportsbooks.
Habang ang fractional odds ay tradisyunal at popular sa UK at Ireland, ang decimal odds naman ay ginagamit sa buong mundo dahil madali itong maintindihan at makapagkumpara. Ang American odds naman na ginagamit sa US betting na merkado, ay mahirap maunawaan ng mga baguhan.
Lahat ng uri ng odds ay may advantages at disadvantages. Ang pagpili ay nasa mananaya at kung gaano sila ka-kumportable. Dapat ding intindihin ang iyong geographical na lokasyon, at ang merkado na tatayaan.
Basahin: Sundin ang Wastong Live Casino Etiquette Para sa Maayos na Paglalaro
Contact Us