Sign Up

Search the website

Alamin ang mga dapat malaman tungkol sa Online Slot Machines

Alamin ang mga dapat malaman tungkol sa Online Slot Machines
Date: August 18, 2023 / Author: Dgenlord Segismundo

Alamin ang mga dapat malaman tungkol sa Online Slot Machines

 

Ikaw ba ay bago sa paglalaro ng online slot machines? O hindi kaya naman beterano na sa paglalaro nito? Gayunpaman, sa artikulong ito madami kang matututunan na hindi mo pa alam tungkol sa slot machines.

Walang makakapagsabi, baka sa mga susunod na araw ikaw ay maging interesado sa paglalaro at palarin na manalo ng malaking halaga sa katangi-tanging laro na ito. Pero bago natin talakayin ang online slots, pag usapan muna natin kung ano ang slot machine at sino ang nakaimbento nito.

 

 

Ano ang slot machine?

Ang unang bagay na kailangan mong malaman tungkol sa slot machine ay, ito ay ang mga karaniwang arcade games na naglalaman ng tatlong spinning wheels na nakahilera patayo. Ang mga ito ay karaniwang may mga imahe at numero na hindi hihigit sa anim. At kapag ang mga imahe at numerong ito ay nag pares pahalang man o patayo, ikaw ay makakakuha ng mga papremyo.

Sa loob ng maraming taon, ang mga ito ay nagkaroon ng iba’t-ibang mga pangalan depende kung saan bansa ito makikita. Ang tawag ng mga Amerikano dito ay “slot machine”, ang tawag naman ng mga Briton ay “fruit machine” sa mga scotsmen naman ay “puggy” sa mga Canadian naman ay “the slots” at ang mga Australian ay “pokies”.

Ang mga slot machine noong unang panahon ay may pagkakaiba sa mga slot machine na makikita natin ngayon. Noong araw, ang mga ito ay may pingga o lever sa ingles na kailangang hilahin upang magawang paikutin ang mga spinning reels nito. Ang mga spinning reels ay titigil pagkatapos ng ilang segundo upang alamin kung ikaw ba ay nanalo o hindi. Sa ngayon, ang mga pingga na hihilahin ay napalitan na ng mga pindutan at tulad na din ng mga slot online na pipindutin mo na lamang ang screen ng iyong selpon o tablet.

Dahil sa patuloy na modernisasyon, maraming pagbabago sa itsura at paraan ng paglalaro ang ginawa sa sikat na laro na ito. Dati, ang premyo na makukuha mo ay kung ano lang ang premyo na ibinibigay ng mga nagpapalaro ng slot machine. Ngayon, may may mga karagdagang mga bonus at promosyon na ang pwede mong makuha lalo na kung ikaw ay sa online casino maglalaro.

 

Sino ang nakaimbento ng slot machine?

Maraming debate sa kung sino nga ba ang tunay na nakaimbento ng slot machine. Gayunpaman, ang pinakasikat na argumento dito ay walang iba kung hindi sina Sittman at Pitt. Sinabi na ang dalawang ito ay nag imbento ng laro noong 1891 sa Brooklyn, New York, at sila ay gumamit ng limang drum na nagsilbing mga reels. Ang mga reels na ito ay may limangpung (50) baraha base sa isa ding sikat na laro, walang iba kung hindi ang poker.

Sa nasabi sa itaas, sina Sittman at Pitt ay binase sa mechanics ng poker ang mga paraan kung paano ka mananalo sa kanilang laro na slot machine. Hindi tulad ng slot machine na makikita natin ngayon, ang slot machine nina Sittman at Pitt ay walang eksaktong paylines para manalo. Isang halimbawa nito ay, maghuhulog ng nikel o nickel sa ingles ang isang manlalaro at hihilahin nito ang pingga ng slot machine. Pag lumabas ang cowboy (dalawang pares ng hari) sa reels, ikaw ay mananalo ng premyo. Sa panahon nila ang karaniwang premyo lamang ay isang bote ng beer.

Dahil ang mechanics na ginamit nina Sittman at Pitt ay masyadong madali, Binago ito ni Charles Fey sa mga taong 1887 at 1895 sa San Francisco, California. Dito, binawasan niya ang pagkakataon ng isang manlalaro na manalo sa slot machine. Sa halip na limang (5) reels, ginawa niya itong tatlo (3) at dinagdagan ng mga imahe. Sa uri ng slot machine na ginawa ni Charles Fey, naglagay din siya ng karagdagang paraan para manalo. Naglagay siya ng multiple paylines na kailangan makuha ng mga manlalaro nito.

 

Mula sa tradisyonal na slots patungo sa online slots

Ngayon na alam mo na ang ilang bagay tungkol sa slot machine, pag-usapan naman natin kung ano ang online slots. Ang online slots ay ang mga slot machine na pwede mong laruin online. Maaaring sa kompyuter, laptop o kaya naman ay selpon. Pwede din itong i-download bilang hiwalay na aplikasyon o laruin sa pamamagitan ng mga online casinos.

Ang mechanics ng online slots ay hindi nagkakaiba sa mechanics ng slot machine sa mga land-based casino. Pareho ang mga tuntunin nagkaiba lang sa dami ng paylines ang bawat slot machines.

Gayunpaman, ang online slots ay may kalamangan kumpara sa mga tradisyonal na slot machine. Sa slots online, maraming uri ng slot machine ang maaari mong laruin. May mga kalakip na bonus at promosyon din ang mga ito na magagamit mo sa iyong kalamangan. May mga dagdag na spins din ang online slots na karaniwang wala sa mga land-based slot machines.

 

Konklusyon

Ang mga slot machine ay isa sa mga sikat na laro ng online casino at land-based casino. Marami ang naglalaro nito dahil hindi ito mahirap intindihin hindi tulad ng mga teknikal na laro sa casino tulad ng blackjack, baccarat, at poker.

Madami na ang nabago sa paraan ng paglalaro nito at sa paylines na kailangan mong makuha. Marami na din pagpipilian sa tema dahil sa modernisasyon. Pero isa lang ang hindi magbabago. Mananatili ito bilang isa sa mga sikat na laro ng casino.

 

Basahin din: Spin Online Slots: Manalo at Magsaya sa Laro!