Ang nakakamanghang mundo ng Fishing Games Online
Ikaw ba ay lumabas na para mangsida? Anong pakiramdam kung ikaw ay may huli sa iyong pamingwit? Nakaka-excite, hindi ba? Maaaring ito ay isa lamang libangan kung saan gumagaan ang iyong loob o hindi kaya naman para may mauwi kang pagkain para sa iyong pamilya.
Kung ikaw ay isa sa mga mahilig mangisda, malamang ikaw ay nakapag-laro na din ng mga video games kung saan ikaw ay namimingwit. Pero nasubukan mo na ba o narinig ang Fishing Games Online? Iyan ang tatalakayin natin sa artikulong ito.
Ano ang Fishing Games Online?
Ang Fishing Games Online ay isang klase ng laro na may parehong mechanics na makikita sa mga ilang arcade games. Ang kaibahan lamang nito, Ang uri ng fishing game na ito ay malalaro online.
Ang karamihan sa arcade games na mayroong laro na fishing games ay gumagamit ng token upang ito ay iyong malaro. Ang mga napanalunan mo dito ay mga tickets na maaari mong ipagpalit sa laruan, mga kagamitan sa opisina, o hindi kaya naman ay motorsiklo. May mga ilan din namang fishing arcade games na pinahihintulutan ang kanilang manlalaro na tumaya ng pera at manalo ng pera. Ang kaso nga lang karamihan din dito ay illegal.
Sa online fishing, kailangan mo na mag deposito ng pera para makapaglaro. Ang halaga ng pera na iyong mapapanalunan ay depende kung gaano ka kagaling sa paglalaro ng online fishing. Ang online fishing ay kalimitang malalaro sa iba’t-ibang online casino providers na kalimitang naghahandog ng iba’t-ibang bersyon ng laro. Ito ay para makapili ka ng fishing game na swak para sa iyo.
Paano laruin ang Fishing Game Online?
Tulad ng slot machines, ang fishing games online ay madali din laruin. Hindi ito tulad ng ibang casino games na masyadong teknikal. Dito, wala kang ibang gagawin kung hindi ang tumutok at pumindot. At kung ikaw ay magaling na manlalaro, maaari kang manalo ng malaking halaga ng pera sa paglalaro ng online fishing. So, paano nga ba ito laruin
Ang unang kailangan mong gawin ay mag-deposit ng pera sa iyong online casino account. Ang pera na iyong idedeposito ay ang magsisilbing mga bala na gagamitin mo sa fishing games online.
Pangalawa, kailangan mong pumili ng fishing game na swak para sa iyo. May mga ilang bagay na hinahanap ang ibang manlalaro tulad ng ganda ng graphics, uri ng isda na pinapakita sa screen at mga tiyak na fishing game provider na gusto nila.
Pangatlo, kailangan mong gumawa ng strategy, tumutok, at tumira. Lahat ng isda na lalabas sa iyong screen ay may kalakip na halaga sa pera. Kapag ang isda ay maliit, madali itong patayin subalit ang katumbas na pera nito ay maliit. Kung ang isda naman ay malaki, mahirap itong patayin subalit ang katumbas na pera naman nito ay malaki.
Mga mahalagang salik ng laro
Dahil ang fishing game ay isang uri ng video game, May mga ilang bagay na kailangan mong malaman tulad ng power-ups na makukuha sa paglalaro ng fishing games online.
Ang iba’t-ibang bersyon ng fishing game ay may kanya-kanyang power-ups na makukuha o ibinibigay. Narito ang ilang halimbawa upang ikaw ay magkaroon ng ideya kung ano ang mga ito.
Pampabilis ng tira: Kapag ikaw ay nakakuha ng ganitong uri ng power-up, ang bilis ng iyong pagtira ay bibilis. May mga bersyon na kung saan nagpapatong ang dami ng pampabilis na mkukuha mo dalawa hanggang sa tatlong beses.
Pampalakas ng pinsala: Ang ganitong uri ng power-up ay nagbibigay sa iyo ng karagdagang pinsala. May mga bersyon din na kung saan nagpapatong ang dami ng pampalakas na iyong makukuha dalawa hanggang tatlong beses.
AOE (Area Of Effect o lawak ng pinsala) damage: Isa ito sa pinaka-magandang power-up na makukuha mo sa laro ng online fishing. Kapag nakuha mo ang power-up na ito, lalawak ang laki ng pinsala sa bawat tira mo sa isda. Halimbawa sa isang tira ng isda tatlo ang tatamaan. May mga bersyon din na pwede itong i-pares sa pampabilis o sa pampalakas ng tira.
PAALALA: Ang pagkuha ng power-up sa larong ito ay maganda. Pero kung hindi mo ito gagamitin ng tama, mawawalan ng bisa ang mga ito. Gumawa ng strategy at gamitin ang mga power-ups sa tamang oras.
Konklusyon
Ngayon na mayroon ka ng ideya kung ano ang fishing games online. Panahon na para ito ay iyong subukan. Pumili ng tamang online casino provider at alalahanin na gumawa ng diskarte at wag tumulad sa ibang manlalaro ng tira lamang ng tira. Maglaro ng matalino upang manalo ng malaking halaga ng pera sa online fishing.
Basahin din: Alamin ang mga dapat malaman tungkol sa Online Slot Machines
Contact Us